EDSA People Power Revolution

BOSES NG KALYE: Bakit nakakalimutan na ang EDSA?

BOSES NG KALYE: Bakit nakakalimutan na ang EDSA?
Pakinggan ang 'Boses ng Kalye' tungkol sa pagkalimot sa EDSA revolution

Pagkalipas ng 36 na taon tila pahina na nang pahina ang alaala ng EDSA.

Kahit na libo-libo ang namatay, nakulong, at nakaranas ng karahasan sa ilalim ng kanyang diktadura, at kahit na bilyon-bilyong piso ang kanyang ninakaw, si Ferdinand E. Marcos ay binigyan ng hero’s burial noong 2016.

Ang kanyang anak na babaeng si Imee Marcos ay nahalal bilang senador ng bansa at ang kanilang pamilya ay patuloy na sinusuportahan ng maraming Ilocano, paulit-ulit na binoboto ang kanilang pamilya sa posisyon.

At ngayong 2022, ang anak na lalaki ng diktador, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nangungunang kandidato sa karera para sa pagkapangulo ng bansa.

Bakit patuloy nang nakakalimutan ang rebolusyon sa EDSA?

Pumunta ang Rappler sa EDSA at tinanong ang ilang mga Pilipino tungkol sa kanilang opinyon tungkol dito.

Panoorin ang bagong episode ng Boses ng Kalye sa Rappler. – Rappler.com