P100,000 gantimpala naghihintay sa pinakamahusay na tesis at disertasyon sa wikang Filipino

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

P100,000 gantimpala naghihintay sa pinakamahusay na tesis at disertasyon sa wikang Filipino
PRESS RELEASE: Tatanggap ang Komisyon sa Wikang Filipino ng mga lahok sa Gawad Julian Cruz Balmaseda hanggang Oktubre 11, 2019

Ito ay isang press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

May P100,000 gantimpalang naghihintay para sa hihiranging pinakamahusay na tesis at disertasyon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilála ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larangan gamit ang wikang Filipino.

Ipinangalan ito kay Julian Cruz Balmaseda (1885–1947), isa sa mga nangungunang manunulat at kritiko ng siglo 20. Naglingkod siya bílang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay KWF. 

Bukod sa pagbibigay ng P100,000 (net) na gantimpala, mayroon ding unang opsiyon ang KWF na mailathala ang mga nagwaging tesis at disertasyon. 

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtalâ na ng 7 nagwagi:

  • 2015
    • Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan 
  • 2016
    • Gilbert Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika
    • Roman Sarmiento Jr, tesis sa kasaysayan 
  • 2017
    • Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan
    • Christian Javier Fajardo, tesis sa antropolohiya 
  • 2018
    • Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya 
  • 2019
    • Wennielyn Fajilan, disertasyon sa panitikan 

Ang mga akda nina Delupio, Sarmiento, at De Leon ay nailathala na sa ilalim ng KWF Aklat ng Bayan. 

Ang mga isusumiteng tesis at disertasyon ay dapat na naipagtanggol at naipasá sa mga taóng 2018 hanggang 2019.  

Tatanggap ang KWF ng mga lahok hanggang Oktubre 11, 2019. Hihirangin ang mga nagwagi sa Araw ni Balmaseda sa Enero 28, 2020.

Para sa karagdagang detalye hinggil sa Gawad Balmaseda, maaaring bumisita sa kanilang website. – Rappler.com

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!