POGOs

PANOORIN: Ano’ng mangyayari kung palalayasin natin ang mga POGO?

Rappler.com
PANOORIN: Ano’ng mangyayari kung palalayasin natin ang mga POGO?
Aaray nga ba ang ekonomiya kapag nawala ang mga POGO? Maaaring makapulot ng aral ang Pilipinas mula sa karanasan ng Cambodia.

Mainit na isyu ngayon kung dapat pa bang manatili ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Bilyun-bilyong piso ang nalikom ng Pilipinas mula sa sugal, pero dumami rin ang krimen tulad ng kidnapping.

Aaray nga ba ang ekonomiya ng Pilipinas kapag pinalayas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga POGO?

Para malaman ang epekto ng posibleng pagtigil ng POGO operations sa Pilipinas, hinimay ni Rappler business reporter Ralf Rivas ang nangyari sa Cambodia, na tuluyang ipinasara ang online gambling dahil sa negatibong epekto nito sa kanilang komunidad. – Rappler.com