Vice Ganda says sorry

Rappler.com
UPDATED Vice Ganda apologizes to Jessica Soho and everyone offended by his 'rape' joke

PUBLIC APOLOGY. Vice Ganda says he is sorry for offending people with his 'rape' joke. Screengrab from Youtube (TheABSCBNNews)

MANILA, Philippines (UPDATED) – Television comedian Vice Ganda issued a public apology on Wednesday, May 29, over the jokes he made at the expense of GMA news executive and anchor Jessica Soho. The television celebrity made jokes about Soho’s weight during his May 17 concert, and said that any sex scene involving Soho would have to be a gang rape. 

READ: Vice Ganda gets flak for ‘rape’ joke

Vice Ganda made the apology over noontime show Showtime, where he is a host.

Humihingi ako ng paumanhin. Patawad po. Kung hindi nyo ako kayang patawarin ngayon, sana mapatawad nyo ako balang araw.” (I am asking for forgiveness. Forgive me. If you can’t forgive me now, I hope you can forgive me someday).

Instagram photo

Earlier today, the comedian posted a photo on his Instagram account. The photo has since been taken down. Interaksyon describes the photo as “a black and white photo of himself” that has the comedian “wearing a blonde wig and a bemused expression on his face.” In it, he “appears to be biting on his middle finger,” Interaksyon said. The caption reads, “Sssshhhhhhhh!!!!!!!!”

The comedian also greeted fans this morning with a tweet, “Bumangon ka at ngitian mo sila. Yan ang pinakabonggang sandata.” (Wake up and smile at them. That is the most fabulous weapon.”

But the situation changed after that tweet. Vice Ganda asked for assistance from ABS-CBN management. 

In his Showtime apology, the comedian narrated how he was called to a meeting by his bosses, including ABS-CBN’s Broadcast Head, Cory Vidanes.

Asked by the “big bosses” to comment on the negative reactions to his jokes about Soho, Vice Ganda said he did not feel the need to justify his jokes to anyone, as jokes are not always palatable to everyone.

“Every joke depends on the person,” he said in Filipino. 

He did not apologize for the joke itself, but only for the offense it caused people.

Maaring naoffend ko nga si Ms Jessica Soho.” (It is possible I offended Ms. Jessica Soho).

He said he told ABS-CBN management that he preferred to apologize to Soho personally.

On Wednesday, the comedian said he called Soho to apologize. After introducing himself, he claimed the news executive told him she was not in the proper frame of mind to talk.

He asked if he could call at another time. Her answer, he said, was, “I don’t think so.”

“Sa pakiwari ko, maaring nasasaktan pa sya, nagagalit pa siya, hindi pa siya tapos doon, hindi pa niya ako kayang patawarin.” (In my opinion, she may still be hurting, she may still be angry, she may not be over it, and she cannot forgive me yet.)

That’s when he decided to issue a public apology.

“Kaya ngayon gagawin kong pampubliko ito para makarating po sa inyo. Ako po ay humihingi ng paumanhin.” (This is why I am making this public, so it will reach you. I am asking for forgiveness.)

The comedian also promised never to mention Soho again in his future shows.

He also cited other TV personalities—Kris Aquino, Kim Atienza and Boy Abunda, ABS-CBN reporter Gus Abelgas and senators-elect Nancy Binay and Grace Poe.

“Sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao. Alam ko sa sarili ko yun at tinanatanggap ko.”  (Whether or not it was on purpose, I offended people. I know that for myself and I accept it.)

He also appealed to the public to refrain from further commenting on the issue. He said he will not fight his critics, because doing so will only feed the controversy.

Everyone has spoken and offered an opinion, even those who “do not really know what happened,” he noted. 

Rape

Vice Ganda said he is aware that his jokes have hurt many people.

The comedian later addressed claims he was poking fun at rape victims.

“Wala akong intensyon na pagtawanan ang rape victims. Wala akong intensyong masama. Kung may nasaktan, humihingi ako ng paumanhin.”

(I never intended to make fun of rape victims. I don’t intend evil. If I hurt some people, I am sorry.)

“Sa lahat po ng nasaktan, buong puso akong humihingi ng paumanhin.Pinapalangin ko na patawarin ako. Sa mga nagagalit, kung hindi nyo ako mauunawaan, ako ang uunawa sa inyo.” (To all those I have hurt, I wholeheartedly ask for your forgiveness. I pray that you forgive me. To those who are angry, if you don’t understand me, I will seek to understand you.)  

Below is the transcript of Vice Ganda’s apology aired Wednesday, May 29 over Abs-cbn noontime show Showtime.

 

I just want to make things right and I want to make this day a beautiful one, and let’s start this right. Alam naman po natin yung mga isyu. May mga malaking isyu at may malaking malaking isyu na lumalaganap ngayon.

 

May 17, 2013 naganap po ang “I-vice ganda mo ko” sa Araneta. It is a comedy concert; it is a comedy show. It is an enlarged comedy bar show kasi naganap po sa Araneta.

 

After 11 days, kahapon, may mga lumabas pong isyu, na may mga na-offend, may mga ibinato saking isyu na meron akong nalampasang linya, na meron akong sinabing hindi maganda, na meron akong mga taong sinadyang saktan, may mga tao akong natapakan.

 

So ang dami pong lumabas sa Twitter, sa social networking, sa news, pero di ako nagsalita kasi gusto kong pag-aralan ang pangyayari kaya hindi po ako nagsalita, at gusto kong i-take ang sitwasyong ito nang may tamang pag-iisip. 

 

Ayokong gamitin ang galit para magreact. Ayokong gamitin ang pagiging immature para makipaglaban. Gusto kong maging matalino, at kahit matalino po ako, kahit sinasabi ng ibang tao na marunong ako, matalino ako, merong mga taong mas matalino sa akin at mas nakakaunawa at humingi po ako ng tulong.

 

So tumawag po ako sa tanggapan ng ABS-CBN, tumawag po ako sa mga big bosses. Nakipagmeeting po sa akin si Tita Cory Vidanes. Pinatawag po nila ako at sinabi itong isyu, itong kumakalat na isyung iyon. Ito po ay tungkol kay Ms Jessica Soho at sinasabi nila ang jokes ko about rape victims, na meron daw akong mga jokes about rape victims. Tinanong nila ako, ano bang take mo dito, anong gusto mong gawin?

 

Sinabi ko po sa kanila, sa mga big bosses, na hindi ko naman po kinailangang i-justify ang joke ko, o bigyan ko ng magandang katuwiran ‘yung joke ko. Ang joke ay depende sa tao kung paano mo tatanggapin ang joke. Hindi lahat ng joke ay matatanggap ng lahat ng tao at walang kahit isang joke na tinatawanan ng lahat. Lahat ng joke may taong tatawa at lahat ng joke may taong hindi magiging pabor sa joke na ‘to.

 

Ngayon sinasabi ko na po na sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao. Alam ko sa sarili ko yun at tinatanggap ko. Maaaring naoffend ko nga si Ms Jessica Soho. Bukod kay Ms Jessica Soho marami pa akong naging karakter sa mga jokes ko. Nabanggit ko rin po ang pangalan ni Ms Kris Aquino, ni Mr Boy Abunda, ni Mr Kim Atienza, Mr Gus Abelgas, Ms Pia Hontiveros, Ms. Nancy Binay, Ms Grace Poe at marami pang iba.

 

Pero sa pagkakataong ito sigurado ko na na-offend si Ms Jessica Soho at sinabi niya na na-offend siya. So sabi ko tatanggapin ko ‘yun, na naka-offend ako ng tao. At kung naka-offend ka ng tao tanggapin mo ang pagkakamali mo at paano mo ba to matatangap kung naka-offend ka o nagkamali ka?

 

Hindi ko makakalimutan ang isa sa mga pinakasimple na itinuro sakin ng mga magulang ko, sinasadya mo man o di mo sinasadya, kung nakasakit ka humingi ka ng patawad at paumanhin.

 

Lumaki na po nang lumaki ang isyung ito. Marami na silang sinabi kung ano ang sinabi ko at merong mga naganap sa concert. Hindi na ako makikipagtalo kasi kung makikipagtalo ako, hahaba lang nang hahaba. Ang salita ko magiging laban sa salita nila, ang salita nila magiging laban sa salita ko, at hindi lang naman kami ang naglalaban-laban, lahat na ng tao nagsalita na at nagbigay ng opinyon.

 

Itigil na natin ito. Itigil na natin ang pagbibigay ng opinyon lalo’t-lalo pa kung hindi niyo naman talaga alam ang nangyari at hindi kayo nakapanood, kasi magiging magulo lang ang mundo. 

 

So para po sa akin, tinanong ako ng management, “Anong gusto mong gawin?” Gusto ko pong mag-apologize kay Ms Jessica Soho. Pwede akong mag-apologize sa Twitter. Pwede akong mag-apologize sa Facebook. Pwede akong mag-painterview kung saan-saan, pwede kong gamitin ang programang ito, ang Showtime, para mag-apologize.

 

Pero sabi ko, sa akin naman nagsimula, at may binitawan akong biro na naka-offend dun sa tao.

 

Kung hihingi ako ng paumanhin, mas sinsero at mas mararamdaman ang sinseridad ko pag sinabi ko sa kanya nang personal.

 

Kaya tinanong ulit ako ni Tita Cory, “Anong gusto mong gawin?”

 

Gusto ko pong gawing personal ang paghingi ko ng kapatawaran at ng paumanhin. Gusto ko pong makausap si Ms Jessica Soho.

 

Kaya ang sabi ng management, “Kung sa palagay mo iyan ang tama, at sa palagay din naman namin iyon ang tama, humingi ka ng paumanhin na personal, tawagan mo si Ms Jessica Soho.”

 

Buong puso ko pong gustong humingi ng tawad. As much as possible, ayokong gawing pampubliko ito kasi ang plastic. Kung gusto mong humingi ng tawad, dun ka dumiretso sa tao. Kung may gusto kang iparating dun sa tao, diretsohin mo yung tao. Huwag mong iparating kung saan-saan.

 

Kaya tinawagan ko po karakaraka si Ms Jessica Soho. Nag-ring ang phone. May tumanggap sa tawag ko. Sa boses pa lang, alam ko nang si Ms Jessica Soho.

Ang sabi ko, “Good morning, magandang umaga po. Pwede ko po bang makausap si Ms Jessica Soho?”

At sumagot, sabi niya, “Sino po ito? Para saan po?”

Sabi ko, “Ako po si Vice Ganda.”

Tapos sabi niya, “Ah, si Jessica Soho ito. Pasensya ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.”

Kaya sabi ko, “Ah okay po. So is it okay if i just call you some other time?”

Ang sabi niya, “I don’t think so.”

So sa pakiwari ko, maaaring nasasaktan pa siya. Nasasaktan pa siya, nagagalit pa siya. Hindi pa siya tapos doon. Hindi pa niya ako kayang patawarin. Kaya hindi ko nasabi kung ano ang gusto kong sabihin. At noong sabi niyo po, Ms Jessica Soho, na you don’t think na gusto niyo akong makausap maybe tomorrow or some other day, kaya ngayon ko na lang gagawing pampubliko para makarating po sa inyo.

Ako po talaga ay humihingi ng paumanhin. Opo, yun po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi maganda. At kung hindi magandang biro ‘yun at nasaktan ko po kayo talaga, humihingi ako ng paumanhin. Patawad po.

At pinapangako ko po sa inyo na hindi na kayo magiging kasama kailanman sa anumang tema ng pagtatanghal ko. ‘Yun lang po ang nararamdaman ko at naiisip kong tamang gawin para makabawi ako kung nasaktan ko po kayo. ‘Yun lang po. Humingi lang ako ng kapatawaran.

Kung hindi niyo ako kayang patawarin ngayon, sana po balang araw, matapatawad niyo ako. Katulad po ng sinabi ko bago pa magsimula ang konsierto ko.

Tungkol naman doon sa isyu ng rape, ginawa ko raw katatawaran ang rape noong gabing iyon.

Lahat ng nakapanood ng konsierto nung gabing iyon ay umuwi ng bahay nila na walang naalalang ginawa kong katatawaran yung rape, pero hindi ko ulit i-jujustify ang ginawa kong tama o mali.

Gusto ko lang pong klaruhin sa lahat na hindi po ko kailanman gugustuhing kutyain ang sinumang rape victim. Wala po akong intensyong masama pagtawanan ang mga rape victims.

Alam ko pong seryoso ang isyu sa rape kaya hindi ko pong ginawang seryoso na pagtawanan ang rape victims. Wala po akong intesyon.

Ngayon pa man, kung mayroon pong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin. At sa lahat ng nakisali sa isang maliit na isyu na pinalaki nang pinalaki nang pinalaki na nagmukhang national issue na nagsimula sa isang simpleng biro, kung hindi niyo po nagugustuhan ang pagpapatawa ko, paumanhin po sa inyo. Kung hindi niyo ako nauunawaan, paumanhin po ako sa inyo.

Sa mga nakaunawa nang mahusay sa mga biro ko, maraming maraming salamat.

 

Ako po ay tao, mukha lang po akong kabayo. Hindi po ako perpektong komidyante.

Alam ko po sa sarili ko, nakasisiguro ako na hindi lahat ng jokes ko ay nakakatawa. at wala naman pong komidyante na lahat ng jokes ay nakakatawa. meron at merong isang taong tatayo at magsasabing hindi naman ako natawa. Depende ‘yan sa kung paano mo tatanggapin.

Gayun pa man, sa lahat po ng nasaktan ko, buong puso, mula sa puso ko, sinasambit ng dila ko, lumalabas sa bibig ko ngayon, hindi lang basta idinidikta ng ibang tao at ng utak ko, humihingi po ako ng paumanhin.

Hindi ko po sinasabing hindi na ako magkakamali. Bilang isang tao alam kong matapos ang paumanhin na to, sa pagtahak ko sa mundong ‘to magkakamali ako at magkakamali ako.

Kaya magkamali at magkamali man po ako, hindi ako magdadalawang-isip tanggapin ang pagkakamali ko at humingi ulit ng paumanhin.

Kaya sana po tapusin na natin ang isyung ito. Mas maganda, pinapanalangin ko na mapatawad niyo ako.

Sa lahat ng mga nagsalita sa akin ng masasama, lalo na yung hindi nakaunawa at hindi rin nakapanood at nakarinig lang, okay lang, hindi ako nagagalit. Kung hindi niyo ako nauunawaan, ako ang uunawa sa inyo. Maraming salamat po. – Rappler

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.