Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumad, sinilip ko ang mga pictures namin noong nag-exposure kami sa lugar na yun noong 2009. (BASAHIN: Nang binisita ng isang anghel ang mga Lumad)
Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel. Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay. (READ: School head, 2 lumad leaders killed in Surigao del Sur
Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na 0-crime rate ang lugar nila. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap.
Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.
Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga taga-roon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar.
Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang “yutang-kabilin” (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military kung saan pwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot – not to mention yung grabeng psychological effects sa mga kabataan?
Nung huling gabi namin sa ALCADEV (Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development ), nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan nyo po kami para mas maihatid po ang kwento nila sa mas nakakarami.
Nakikiisa po ako na respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ho ako na ang isang eskwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sanctuario – at ang presensya ng militar ay hindi nararapat.
Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang. – Rappler.com
Si Angel Locsin ay isang popular na aktres at endorser. Isa rin siyang advocate ng karapatan ng mga kababaihan, kabataan, at mga katutubo. Unang lumabas ang post na ito sa kanyang Instagram account.
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.