Full Text: Jinggoy on ‘polluted’ witnesses Cunanan, Tuason

Rappler.com
In a privilege speech on March 12, Senator Estrada exposes that Cunanan travelled often and Tuason acquired properties when they got PDAF kickbacks

EMBATTLED. Senator Jinggoy Estrada delivers a privilege speech on March 12, 2014. Screenshot from Rappler footage

MANILA, Philippines – Senator Jinggoy Estrada on Wednesday, March 12, delivered a privilege speech rich to show how “polluted” the government’s provisional state witnesses in the pork barrel scam, Technology Resource Center deputy director Dennis Cunanan and self-confessed bagman Ruby Tuason.

The senator – who has alleged that the administration is manipulating witnesses to pin him and two other opposition senators down – presented documented information that showed Cunanan and Tuason led lifestyles and acquired properties that were suspiciously beyond their means during the years they got kickbacks from lawmakers’ Priority Development Assistance Fund.

Cunanan, for instance, travelled abroad 80 times in 10 years and lives in a P12-million house in an exclusive White Plains Subdivision in Quezon City. Tuason, meanwhile, has numerous multi-million properties in the United States and the Philippines, including the so-called “Malampaya mansion” in the Dasmariñas Village in Makati City that she acquired using from commissions from her P242-million commission from another government scam.

Below is the full text of Estrada’s speech:

 

Mr. President, distinguished colleagues of this august chamber, ladies and gentlemen.

I rise today on a matter of personal privilege. I rise to denounce the continuing trial by publicity being made against this representation and two of our colleagues.

Ever since the PDAF controversy hit the headlines in July last year, we have been vilified and depicted, Mr. President, as the epitome and personification of corrupt public officials in their desire to convict us before the bar of public opinion. I, along with senators Enrile and Revilla, have bore the brunt of the public’s ire and disgust after being condemned as thieves and plunderers of the people’s money.

Mr. President, trial by publicity violates the constitutional guarantees of due process and presumption of innocence. We therefore deplore, Mr. President, the continuous distortions and prevarications of facts from supposed witnesses recruited by the Department of Justice to support its case. We express apprehension over polluted and self-serving testimonies of proposed state witnesses with questionable integrity and credibility.

The latest addition to this array of witnesses against us is the new darling of the Department of Justice, Mr. Dennis Cunanan, who obviously gave false testimony during the hearing of the Senate Blue Ribbon committee last Thursday. He should have been held in contempt for lying over and over and over again under oath before the committee!

I rise today Mr. President, to expose and bring to the public’s attention the questionable character of this latest witness of the DOJ, Mr. Dennis Cunanan as well as Mrs. Ruby Tuason, to alert us of their dubious backgrounds and shady dealings. It may be instructive for the DOJ so that it may redeem itself from sloppy and amateurish investigation of the witnesses it presents in support of what it proclaims as its supposed air-tight case.

Who is Dennis Cunanan, who has been so bold to lie so brazenly to avoid criminal liability, Mr. President?

Bakit napakalakas ng loob niyang mag-sinungaling sa Blue Ribbon committee? May hawak ba siyang mapanirang impormasyon laban sa ilang makapangyarihang tao kaya tinanggap siya agad bilang “provisional witness” sa ilalim ng Witness Protection Program ng DOJ? May pinoprotektahan ba si Cunanan? At sino ang mahiwagang kamay na nagpapagalaw kay Cunanan upang ang bukod tanging mga pangalan na kanyang babanggitin ay si Estrada, Revilla at Enrile ?

Sinabi ni Dennis Cunanan na pamilyar siya sa aking boses na para bang close kami, kaya minabuti kong mas kilalanin itong si Dennis Cunanan o Decu para sa kanyang malalapit na kaibigan.

Si Dennis Cunanan ay ipinanganak noong November 14, 1971 sa Angeles, Pampanga. Siya ay may asawa at may apat na anak, na nagsisipag-aral lahat sa eksklusibong paaralan.

Simula noong 2007, itinala niya sa mga dokumento ang address na – No. 126 San Nicolas, Magalang, Pampanga. Sinabi kong simula lamang 2007 dahil bago ang taong iyon, si Dennis at ang kanyang pamilya ay nangungupahan lamang sa Quezon City (B5 Verde Royale Townhomes, Pluto St., Quezon City) mula taong 2000 hanggang 2004 at sa Pasig (Unit 7 San Miguel Court, Valle Verde 5, Pasig City) simula taong 2005 hanggang lumipat sa White Plains noong 2007.

Ginoong pangulo, hindi ba nakakapagtaka na hindi niya binabanggit ang kanyang malapalasyong tahanan sa White Plains, Quezon City? Nang lumabas sa balita ang tungkol sa bahay na ito ay saka lamang niya naalala at sinabing – “nangungupahan lang po ako diyan at sa kapatid ko po iyan.”

Napakabait naman po ng kapatid ni Dennis. Bumili ng mamahaling bahay at lupa sa prestihiyosong subdibisyon para lamang ang tumira ay si Dennis samantalang ang kapatid niya at ang kanyang pamilya ay sa Pampanga? Aba’y napakaswerte ni Dennis sa kapatid, di po ba? Sana nga may kapatid din akong kasing-bait ng kapatid ni Dennis.

Ang mabait at nakababatang kapatid ni Dennis ay si Darius Cunanan, ayon sa mga pahayag ni Dennis sa Blue Ribbon, businessman daw itong si Darius at may kakayahan na bumili ng mamahaling ari-arian.

Sa dokumentong aking nakalap, taong 2007 ng nabili ang bahay at lupa sa White Plains sa halagang 12 million pesos. Sa Deed of Sale, si Darius nga at ang kanyang asawa ang bumili ng bahay. Ngunit, may sapat nga ba siyang kakayahan na bumili ng ganito kamahal na ari-arian?

Ginoong pangulo, sa nakuha kong tala ng mga income tax ni Darius noong 2007, sinasabing wala siyang compensation income, at ang tanging income niya noong taong iyon ay mula sa business at ito ay humigit kumulang na P104,668.98. P104 thousand lang ang kita tapos kayang bumili ng bahay na worth P12 million pesos? Imposible po ata.

Sa nakaraang pagdinig, ginoong pangulo, sinabi ni Dennis na nag-apply daw sa bangko ng loan ang kanyang kapatid at hanggang ngayon nga daw ay may binabayaran pa sa bangko.

Ang Deed of Sale para sa bahay at lupa po ay may petsang June 11, 2007. Katulad ng sinabi ko, cash po itong binayaran. Ang loan naman po sa bangko na sinasabi ni Dennis ay may petsang June 21, 2007. Tama. May loan po pero hindi para sa bahay. Ang loan ay para maitayo ang trading company nila na “Magalang Ciudad Enterprises Inc.” noong Agosto 2007 kung saan si Dennis ay majority shareholder. Ginamit lamang na kolateral sa bangko ang bahay. Kaya po na-approve ang loan ay hindi dahil may kapasidad si Darius, ngunit dahil ginamit na kolateral ang bahay.

Given all these facts, is Darius Cunanan or Dennis Cunanan the real owner of the White Plains property? You can make your own conclusion.

Mr. President, Dennis Cunanan lied brazenly about his educational background.

Sa blog site po ni Dennis at sa maraming write-up patungkol sa kanya, lumalabas o kanyang pinalabas na sa UP Diliman (NCPAG) siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong public administration.

Just to set the educational record of Dennis Cunanan straight, he is not a graduate of the University of the Philippines per the letter of the National College of Public Administration and Governance (NCPAG) of UP Diliman in response to our query regarding the academic standing of Mr. Cunanan. He graduated in 2005 (Commerce) in Lacson College.

Itinalaga si Dennis Cunanan bilang executive director ng National Youth Commission noong taong 2000. At noong taong 2001 hanggang 2004 naman ng naging head executive assistant si Dennis sa Office of the Speaker at the House of Representatives. Palagay ko po, kung nalaman na hindi college graduate si Cunanan ay hindi siya malalagay sa mga posisyong ito.

Pagkatapos pong magtrabaho sa House of Representatives, nanilbihan ng ilang buwan si Cunanan bilang Presidential Assistant for Youth Affairs sa termino ni Gng. Arroyo. Napag-alaman ko po, na sa loob lamang ng ilang buwan bilang Presidential Assistant for Youth Affairs, nakapag-cash advance po si Dennis noong 2004 ng P6,417,684.78. At alam nyo po ba na hanggang sa oras na ito, mula noong taong 2004, mayroon pa siyang outstanding and unluiqidated cash advance na umaabot sa P4.6 million sa Office of the President? Ano kaya ang ginawa niya sa cash advance na ito? Idinagdag sa pinambili ng bahay sa White Plains?

Bago napunta ng TRC si Dennis, nahirang muna siyang executive director ng CHED ng isang buwan at tinanggal dahil walang college degree at hindi nga qualified. Ngunit sadyang malakas ang backer ni Dennis dahil na-appoint naman siya kaagad bilang TLRC/TRC deputy director general noong December 2004. At taong 2010 naman siya naging TRC director general sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Aquino.

Ginoong pangulo, habang nasa gobyerno po si Cunanan, naging aktibo po siya sa Jaycees. Binanggit ko po dahil matatandaan na noong nakaraang pagdinig natanong si Mr. Cunanan patungkol sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa at sinabi niyang siya ay nagbi-biyahe bilang officer ng Junior Chamber International or Jaycees at ang mga biyaheng iyon ay suportado ng Jaycees. Jaycees daw po ang sponsor at ang mga biyahe ay nangyayari on a weekend. Pati ba naman ang Jaycees ay ginagamit niya sa pagsisinungaling?

Ginoong pangulo, bago pa man ang pagdinig, nabalitaan ko na po na jetsetter itong si Mr. Cunanan. Thus, I requested the Bureau of Immigration for information on his travels. And lo and behold, ginagawa pong Quiapo ni Cunanan, ng kanyang asawa pati ng kanilang mga anak ang Amerika, Europa, mga bansa sa Asya tulad ng Japan, Singapore, Thailand, Hongkong, Macau, Taiwan, Korea at iba pang lugar.

Base po sa record na aking nakuha, narito ang tala kung gaano kadaming beses nagbiyahe si Cunanan kasama ang kanyang asawa at mga anak sa labas ng bansa:

  • 2013 – 12 times (wife travelled 9 times with Decu)
  • 2012 – 12 times (wife travelled 10 times with Decu)
  • 2011 – 14 times (with travelled 9 times with Decu)
  • 2010 – 5 times (wife travelled 4 times in 2005)
  • 2009 – 10 times
  • 2008 – 14 times
  • 2007 – 8 times
  • 2006 – 5 times
  • 2005– travelled once
  • 2004 – travelled twice

Lumalabas po na sa loob ng sampung taon na nasa TRC si Dennis Cunanan nagbiyahe po siya ng higit kumulang na walumpung beses! Eighty times, Mr. President! At ang mas kamangha-mangha dito, ang mga biyahe niya ay kung hindi raw first class ay business class. at hindi lamang tumatagal ng tatlo, apat o limang araw ito at hindi din lang po on weekends katulad ng kanyang sinabi dahil mayroong dalawang linggo, tatlong linggo at may mga biyahe pa na tumatagal ng isang buwan! Ang tanong, lahat ba ito ay suportado ng Jaycees?

Sarap ng buhay ni Dennis Cunanan, ‘di po ba? Mataas ang posisyon sa gobyerno kahit hindi qualified. Sumusweldo buwan-buwan kahit madalas na wala siya sa opisina. Pa-pirma-pirma ng mga dokumento na sinasabi niyang ministerial pag may oras. At liwaliw ng ilang linggo o mahigit isang buwan sa iba’t-ibang sulok ng mundo kasama pa ang pamilya.

Ginoong pangulo, hindi po ata sinusuportahan ni Dennis ang programang pang-turismo ng ating gobyerno. Dahil sa dalas niya sa labas ng Pilipinas, iisipin mo nga naman na para kay Dennis mukhang “it is more fun outside the Philippines!”

Selective justice

Ngayon, bigyan po natin ng atensiyon ang pahayag ni Mr. Cunanan na ako raw ay kanyang nakausap.

Ginoong pangulo, sasabihin ko lang pong muli, hindi kami nagkausap at wala ni isang pagkakataon na nag-salubong ang landas namin ni Dennis. At katulad ko, nakakasiguro akong hindi siya kilala, nakasalamuha o naka-usap ni senators Enrile at Revilla . Sabagay, lagi nga pala siyang wala sa Pilipinas kaya marahil walang pagkakataon para magtagpo ang aming landas.

Kaya’t nakapagtataka po talaga na si Enrile, Estrada at Revilla lamang ang mga pangalang tanging binabanggit ni Cunanan patungkol sa usapin ng PDAF na matagal din po niyang hinawakan sa TRC when they implemented projects funded under PDAF. Limitado din lang sa mga NGOs na sinasabing konektado kay Gng. Napoles ang naaalala ni Cunanan.

Alam natin na taong 2004 ay nasa TRC na si Cunanan. Taong 2005 naman nagsimulang makatanggap ng PDAF ang TRC mula sa mga mambabatas. Matatandaan na bago siya mapunta sa TRC, kagagaling lamang ni Cunanan magtrabaho ng ilang taon sa House of Representatives hindi po ba, kaya’t hindi po malayong mangyari na maraming congressmen ang lumapit o kumausap sa kanya. hindi ba niya ito maalala?

At kung talagang totoo ang sinasabi niya na tumatawag siya para mag beripika ng lagda, sino-sino pa ang tinawagan niya? Hindi naman niya siguro dapat makalimutan ang mga mambabatas na lumapit sa kanya o tinawagan niya ng mga panahong iyon, hindi ba? Ang dati niyang boss sa House of Representatives, hindi ba siya kinausap? Ang representante ng Pampanga, na kababayan niya, hindi ba lumapit sa kanya patungkol sa PDAF?

Wala na ba siya talagang naaalalang iba o may nagsabi sa kanya na si Enrile, Revilla at Estrada na lamang ang tanging alalahanin at banggitin?

Matatandaan po natin na ayon sa COA special audit report on PDAF (page 29), humigit-kumulang na 2.44 billion pesos (opo, 2.44 billion pesos) ang na-release na PDAF ng dalawang daan na mambabatas sa TRC noong taong 2007, 2008, 2009. Sinabi din sa COA special audit report na itong dalawang (2) bilyong piso na ito ay ni-release ng TRC sa tatlumpu’t siyam (39) na NGOs.

Uulitin ko po – more than 200 legislators, more than 30 NGOs at more than 2 billion pesos ang dumaan na PDAF transactions sa TRC . Ngayon ang naaalala lang ni Cunanan ay – tatlong senador at ilang NGOs? Bakit?

Sa kanyang sinumpaang salaysay, may congressman siyang pinangalanan na diumano naghintay ng buong araw sa kanyang opisina para sa tseke ng NGO na dinesignate ng congressman. Ang siste, ginoong pangulo, patay na po ang congressman na ito kaya hindi ko na lang babanggitin.

Kung susuriin ang COA special audit report, hindi lang po si Enrile, Revilla at Estrada ang mga mambabatas na nagbigay ng PDAF sa TRC. May iba pa pong pinangalanan sa COA special audit report at ang mga mambabatas na ito ay naglaan din ng PDAF sa TRC at gumamit ng ngo sa pag-implementa ng proyekto. Tinawagan din ba sila ni Cunanan upang mag-verify?

Napakarami pong mambabatas ang nagpa-implementa ng kanilang PDAF through TRC at gumamit din ng NGOs. Ayan po ang listahan (shown on screen).

Uulitin ko lamang po ang aking sinabi na kanina – more than 200 legislators, more than 30 NGOs at 2.44 billion ang dumaan na PDAF transactions sa TRC. Ngayon, bakit tatlo lang kami na naaalala ni Cunanan?

Sa dinami-dami ng NGOs na nakipag-transaksyon sa TRC bakit tanging si Gng. Napoles, si Benhur Luy at isang Evelyn de Leon lang ang naaalala niyang kumausap sa kanya? Kung susumahin ang halaga ng PDAF ni Enrile, Estrada at Revilla na dumaan sa TRC ito ay humigit kumulang P250 million. Nasaan po ang P2.2 billion pa?

Ginoong pangulo, babalikan ko lamang ang mga salaysay ni Dennis patungkol sa pag-kakausap daw namin sa telepono. Sabi ni Secretary de Lima kasi, ito daw po ang napakahalagang sinabi ni Dennis dahil this will prove that we put or exerted “pressure” on the implementing agencies.

In his sworn statement, paragraph 17.3, Cunanan said, and I quote – “I could not also forget the time when a representative of several NGOs, Mr. Benhur Luy , came to our office to follow-up and discuss their pending PDAF-funded projects at the TRC endorsed by Sen. Estrada and Sen. Revilla. During our meeting, in an obvious attempt to pressure us to immediately approve the said projects, he took out his cellular phone and called the offices of Senators Revilla and Jinggoy Estrada.”

And when asked during the Blue Ribbon about this statement, pinahayag ni Cunanan na sinabi ko daw nung kami ay diumano nagkausap – “Ano pang problema niyan, bakit hindi niyo pa tapusin? Para ma-implement na, hinihintay na iyan sa ground.” At sumagot daw siya – “Senator, pino-process lang ho namin. Hindi naman ho talaga ganun kadali-dali lahat iyon.”

Dinugtong pa po ni Mr. Cunanan, nang siya ay inusisa tungkol sa kanyang pagtawag sa akin, na sigurado siya na ako ang kanyang nakausap dahil napapanood niya ako sa pelikula at nakikita sa TV. At dahil din dito kaya’t kabisado niya daw ang boses ko.

Mr. President, pagkatapos ko pong mahalal bilang senador ng 2004 ay naging napakadalang na po ang aking paggawa ng pelikula. Isa o dalawang pelikula na lamang ang aking ginawa nung ako’y senador na. Kaya’t kasinungalingan na naman po ang kanyang sinasabi na pamilyar siya sa aking boses.

Kasinungalingan po ang lahat ng iyan! Ginoong pangulo, uulitin ko, hindi po kami nagkausap ni minsan ni Dennis Cunanan.

Mr. President, during the Blue Ribbon hearing, when Dennis was asked what year did this telephone conversation happen, he said “around 2008.” 2008 daw po, ha? Now consider this.

When the so-called telephone conversation and also the kickback received by Cunanan were being discussed, Luy was asked about those circumstances. Matatandaan na sinabi ni Luy na una niyang nakita si Dennis Cunanan sa JLN office sa Discovery Suites. Ibig sabihin po, bago pa nangyari noong 2008 ang sinasabi niyang pagkaka-usap namin diumano sa telepono sa kanyang opisina, magkakilala na sila ni Luy at malinaw na tumatanggap na po si Cunanan mula sa JLN ng kickback, ‘di po ba?

Kung matagal na silang magkakilala ni Benhur Luy at matagal na siyang nakikipag-transaksyon sa mga NGOs ni Luy dahil tumatanggap na nga siya ng kickback mula sa PDAF, ano pa po ang saysay ng sinasabi niyang pag-beripika sa aking opisina? Yung sinasabi niyang dapat dumaan sa proseso? Yung pressure, kuno, na binabanggit niya?

Ginoong pangulo, napakalinaw na gawa-gawa lang ni Cunanan ang kwentong kami ay nag-kausap sa telepono. Uulitin ko lang, wala pong nangyaring ganyan at pawang kasinungalingan lamang ‘yan ni Cunanan.

The career of Mr. Cunanan from his days in college to his days in public office, and reaching up to his testimony in the Blue Ribbon committee has been founded and grounded on falsehoods and misrepresentation!

Reporma o puro porma

Sa sinumpaang salaysay din po ni Cunanan, sinabi niyang “ministerial” lamang ang kanyang naging partisipasyon patungkol sa PDAF na dumaan sa kanilang ahensiya. Ministerial nga ba ang mga aksyon na ginawa ni Cunanan patungkol sa pondo na dumaan sa kanilang ahensiya?

Kung susuriin ang mga sinasabi niyang memorandum o polisiya tungkol sa PDAF na sinunod ng kanilang ahensiya, makikita na si Cunanan ang recommending approval sa mga disbursement vouchers. Ibig sabihin, hindi pipirma ang director general at hindi uusad ang mga papel kung wala ang naunang lagda ni Cunanan.

Dahil si Cunanan ang recommending approval, ito marahil ang dahilan kaya sa kanya lumalapit ang mga gustong mapabilis ang pag-proseso at pag-release ng mga pondong mula sa PDAF. Hindi ba’t sa mga naunang salaysay ni Luy, sinabi niyang si Cunanan diumano ang kanilang kontak sa TRC at si Cunanan ang diumano kumukuha ng komisyon mula sa NGOs.

Sinabi din ni Cunanan sa kanyang sinumpaang salaysay na bago siya pumirma sa mga dokumento patungkol sa PDAF ay masusi niyang binubusisi ang mga ito at sinisiguradong kumpleto ang mga attachments nito. Kasinungalingan po ito.

Kung masusi pong binubusisi ni Cunanan ang mga dokumento katulad ng kanyang sinabi, dapat napansin niya siguro na mas nauna pa ang recommendation for release of the 10 percent retention fee worth P2.5 million (3 February 2008) kaysa request ng NGO na ito ay ma-release (4 February 2008). Wala pang request, may recommendation para i-release na?

At kung masusi niya ring binubusisi ang mga dokumento, dapat napansin niya rin na noong September 26, 2008, napirmahan ang MOA na nagsasabing may mga dokumento munang dapat isumite ang NGO bago mag-release ng pondo. Pero mapapansin na September 25, 2008 pa lang, may tseke na para sa NGO. Wala pang MOA ngunit may tseke na?

Hindi ba ang mga ganitong mga pagkakamali ay dapat nakatawag ng kanyang pansin? Kung sinasabi ni Mr. Cunanan na tumawag siya sa mga senador para mag-beripika ng lagda ng mga ito, hindi ba mas lalo dapat siyang tumawag kung may nakita siyang mali o kahina-hinalang pangyayari patungkol sa PDAF? Nakita ba niya ang mali o sadyang nagbulag-bulagan siya at pinalampas ito dahil sa silaw ng salapi?

Sa mga ilang pahayag ni Cunanan sa media, at paulit-ulit ding sinabi niya sa Blue Ribbon committee hearing, na simula ng umupo siya bilang director general noong 2010, tinigil na ng TRC ang pag-implement ng mga proyektong pinondohan ng PDAF.

Kahanga-hanga sana ang mga ito, kung ito ay totoo. May reporma ba talaga siyang pinatupad o puro porma lang itong si Cunanan?

Tingnan natin ang COA annual audit report ng TRC noong 2010:

Under cash and cash equivalents, there is an entry titled cash funds entrusted to NGOs/POs – P2,381,813 million for 2010. Per the COA report, this represents the financial assistance granted to two (2) NGOs for the implementation of livelihood projects under the Priority Development Assistance Fund (PDAF) entrusted to the center, which are to be liquidated upon full implementation of the project.

O, akala ko ba pinatigil na niya noong 2010. Ano ito?

In the same 2010 COA report, under trust liabilities, it says – “PDAF refers to the balance of funds released by the department of budget and management still with the center for eventual release to NGOs/POs identified by the lawmakers who are the PDAF grantors.” Then the following entries appear:

  • For 2009 – P21,922,200 million
  • For 2010 – P21,517,200 million

Kung hindi na nagpatupad ng proyekto ang TRC mula sa PDAF simula 2010, ano ang nangyari sa mga pondong ito?

Dumako naman tayo sa COA audit report ng TRC noong 2011. again, under cash and cash equivalents there is an entry – “cash funds entrusted to NGOs/POs” andun ‘yung P2,381,814 million sa taong 2010 at may bagong entry under 2011 – P1,955,000 million.

Per the 2011 COA report the amount that appeared under “cash fund entrusted to NGOs/POs” represents the financial assistance granted to Kabuhayan at Kalusugan Alay sa Masa Foundation for the implementation of livelihood projects under the Priority Development Assistance Fund (PDAF) entrusted to the center, which are to be liquidated upon full implementation of the project.

O, akala ko ba, ginoong pangulo ay pinatigil na ni Cunanan noong 2010 ang mga proyektong pinondohan mula sa PDAF? Taong 2011, meron nito?

At kung susuriin natin yung sinabi ni Cunanan na listahan ng mga NGOs na buong giting niyang pina-blacklist noong 2010 kasama ang Kabuhayan at Kalusugan Alay sa Masa Foundation sa na-black list! Ano ngayon ang ibig sabihin ng pag-release ng pondo sa isang blacklisted NGO noong 2011? Aba’y malakas siguro kay Cunanan ang NGO na ito o kaya ang mambabatas. Sino kaya ang mambabatas na ito? Ang sagot ay nasa COA annual audit report ng 2012. Sa table of schedule of unliquidated PDAF release as of 31 December 2012, makikitang kung kaninong PDAF po nanggaling ang pondo.

Pinakita ko na rin lang naman ang table na yan, banggitin na natin kung sino pa ang nakalistang pangalan diyan sina congressman Carlo Oliver D. Diasnes and congressman Florencio G. Noel. Parehong ginamit ni Diasnes at Noel ang NGO na Bantayog Kalinga Foundation Inc. at kung babalikan natin muli ang listahan ng na blacklist na ngo noong 2010, kasama ang Bantayog Kalinga Foundation Inc.

May reporma nga ba o puro porma?

Ngayon, ginoong pangulo, tingnan naman natin ang COA annual audit report ng 2012.

Under cash funds entrusted to NGOs/POs for 2012, there was an entry for P42 million! O, akala ko ba 2010 eh wala na? Hindi ba’t noong 2010, P2 million na lang? Noong 2011 naman, P1.9 million na nga lang di ba? Taong 2012, P42 million?!

Pero hindi lang po yan ang hawak ng TRC noong 2012. According to the COA report, aside from the P42 million from PDAF, meron ding “collection held in trust from disbursement acceleration program o DAP” ang TRC na nagkakahalaga ng P45 million. Kaya siguro sinabi ni Cunanan na wala ng PDAF kasi abala na siya sa DAP.

It would be very interesting to know sino ang mga tinawagan ni Cunanan para mag-verify kunwari ng signatures, hindi ba?

Ngayon, kailangan ko pa bang tanungin kung may reporma o porma? Hindi ba obvious na puro porma?

Ruby Tuason

Mr. President, and with the indulgence of this assembly and our people, let me now direct your attention to another aspiring state witness, Ms. Ruby Tuason. Let me take this opportunity to expose this witness, that the DOJ may rethink and reconsider its policy of picking stray cats just to build its case.

Lest the public continue to be deceived by the so-called “slam dunk” evidence proferred by Mrs. Tuason, I would just like to bring her back to public attention because I am also wondering why she was allowed to silently and stealthily leave the country last week on a flimsy pretense of attending to some personal matters, foremost of which, according to her lawyer “to finance her commitment to return P40 million to the government.”

When the news broke that Mrs. Tuason again left the country, it should be remembered that Secretary Leila de Lima was very upset over the immigration spokesperson’s disclosure to the media of Mrs. Tuason’s departure.

In fact, she ordered the immigration official to explain and Secretary de Lima even publicly threatened to impose administrative sanctions against the said immigration official.

The question, Mr. President, is why? Why is Secretary De Lima really angry? Is it because, as she said, the disclosure could compromise the security of Mrs. Tuason who was hastily admitted to the Witness Protection Program? Or was it because allowing Mrs. Tuason to leave the country immediately after poisoning the public’s mind with her self-serving “confessions” part of the secret deal she cut with the DOJ?

Is it not the right of the public to know the circumstances of her leaving? Who was she with? Who are allowed to reach her? Who will she talk to?

Indeed, what further lies could she concoct while enjoying the comfort and privilege of being wherever she wants to be abroad? Did she travel via business or first class? Who paid for her ticket? Who is financing her travel and stay abroad?

These questions need answers, Mr. President.

Hindi naman po yata kailangan ni Mrs. Tuason pumunta abroad para mangalap ng P40 million. Ang kanyang mamahaling bahay at lupa sa Dasmariñas Village – 1510 Carissa St., Dasmarinas Village, Makati City – na mas kilala sa tawag na “Malampaya mansion” would be more than enough to finance the measly P40 million na sinabi niyang kanyang ibabalik.

Ayon sa dokumentong aking nakalap, nabili ni Mrs. Tuason ang Malampaya mansion noong 2009 sa halagang P45 million pesos at napatitulohan noong October 2009. Tinawag po itong “Malampaya mansion” ng mga malalapit kay Mrs. Tuason sapagkat ito ay isa sa mga katas diumano ng kanyang Malampaya kickbacks na sinasabing umabot sa halagang P242 million.

Sinasabi ding bunga ng kita mula Malampaya ni Mrs. Ruby Tuason ay ang tinayo niyang korporasyon – ang Rubysons Inc. Per records gathered from SEC, in October 2009, Mrs. Tuason and her two sons put up an P80-million capitalized corporation which is supposed to be engaged in micro-business activities.

Obviously not content with the multi-million corporation, Mrs. Tuason, the socialite that she is, also put up a high-end jewelry store in a plush hotel in August 2013 managed by her niece, Jocelyn. Easily, this investment is again worth so many millions, Mr. President.

Aside from the multi-million Malampaya mansion in Dasmarinas Village, the multi-million corporation and the jewelry store, Mrs. Tuason also bought membership shares at the Manila Polo Club for her two sons, which shares are said to be worth P12 million.

At mukhang marami pang natira sa kinita ni Mrs. Tuason sa Malampaya, ginoong pangulo, dahil hindi pa po siya nakuntento sa kanyang shopping spree sa Manila because in 2008, Mrs. Tuason bought a real estate property at the Las Vegas country club said to be worth P6.3 million. and in September 2010, based on records I was able to gather, she bought another property in Oakland, California, worth $150,000.

Lumabas na po kamakailan sa balita at sa mga pahayagan na na-i-transfer na ni Mrs. Tuason noon pang September 2013 ang kanyang Las Vegas property sa kanyang anak na si Francis Tuason. At base din sa mga nakalap kong dokumento, naibenta na rin noong September 2013 ang sinasabing property sa California.

Kaya bakit po pinayagan pang umalis si Mrs. Tuason? Marami pa ba siyang mga ari-arian sa Amerika na ibebenta o marami pa siyang ari-arian na gusto niyang itago sa pangalan ng kanyang mga anak?

Ginoong pangulo, bukod sa mga sinabi kong ari-arian ni Mrs. Tuason, napag-alaman kong meron pa siyang isang bahay sa Henderson, Nevada, bahay sa Kawayan Cove in Cavite, townhouse in Alabang at townhouse sa Valle Verde.

Given all of these, tanong ko lang Mr. President, tinanggap na lang ba ni Secretary Leila de Lima ng wala man lang imbestigasyon ang sinabi ni Mrs. Ruby Tuason na ang kanyang namatay na kapatid na si Remy Chan ang nangumisyon at nakinabang ng P242 million mula sa Malampaya fund? Hindi ba obvious na siya ang nakinabang?

Si Remy Chan po ay nakababatang kapatid ni Ruby Tuason. Sa tagal po ng panahon na kakilala ng aming pamilya si Mrs. Tuason, wala pong pagkakataon na nakilala ko ng lubos si Remy maliban lamang noong mga taon na siya ay nagkasakit at nangailangan ng medical assistance mula sa aking opisina.

Napadalas po ang pag-hingi ni Remy sa pamamagitan ni Mrs. Tuason ng tulong medikal at pinansiyal sa aking opisina pati na rin sa opisina ni Senator Enrile ng mga taong 2008, 2009 at 2010 dahil sa sakit na kanser. May isa pa nga pong pagkakataon na personal na nagpunta si Remy sa Senado upang humingi ng tulong at maaawa ka talaga sa kanya dahil payat siya at mukhang may malubhang sakit.

Kaya’t hindi ko po lubos na maisip kung papaano na ang isang taong may sakit na kanser at malamang may taning na ang buhay noong mga panahon na sinasabing nangyari ang Malamapaya scam (2009-2010) ay makakaisip pang mangumisyon o gumawa ng kalokohan.

Matatandaan na sinabi ni Mrs. Tuason na si Remy ay isang fortune teller o manghuhula. Nahulaan kaya niya kung sino ang magiging koneksiyon daw niya sa Malacañang para kumita ng malaki mula sa Malampaya scam?

Nahulaan din kaya niya na pagkamatay niya ay gagamitin siya ng kapatid niya para makalusot sa pinakamalaking akusasyon sa kanya – na siya ang kumita ng pinakamalaki mula sa Malampaya scam?

Sana, kung buhay pa si Remy, baka pwede rin nating pahulaan sa kanya kung saan niya dineposito at sino ang tunay na nakinabang sa daan-daang milyong kickback sa Malampaya fund.

Patay na si Remy. So, the end of the Malampaya story, as far as Mrs. Tuason’s liability is concerned. ‘Yan ang ipinalulunok nila sa madla.

Mr. President, it was all too clever and very convenient for Mrs. Tuason to put all the blame and guilt on her dead brother, isn’t it? As the known idiomatic expression goes – “dead men tell no tales.” This is just like Mr. Dennis Cunanan citing a dead congressman. Patay na po ang kapatid ni Mrs. Tuason na si Remy kaya hindi na natin maririnig pa mula sa kanya ang nalalaman niya patungkol sa Malampaya, kung meron man. Ngunit hindi naman nangangahulugan na nalibing na kasama ni Remy ang katotohanan, ‘di po ba? Maaari pa nating malaman ito kung imumulat lamang ng kinauukulan ang kanilang paningin at itutuon ang kanilang pandinig sa mga bumubulong na tinig.

Now Mr. President, I have with me here now the partial result of the review of the Senate CCTV footage. This was submitted by the Senate security to the Senate President and I was given a copy.

It should be remembered that after the allegation of Mrs. Tuason that she delivered money in my office using the basement parking, as if insinuating she was hiding a bulk of money from prying eyes, I manifested before the floor in February, that CCTV footage at the Senate basement parking and even at the Senate building be reviewed so that the public may be informed as to when Mrs. Tuason was present here in the Senate premises and if she was indeed bringing millions contained in duffel bag, as she alleged.

Unfortunately, our Senate security, said that for years 2004 to 2010, CCTV footage at the basement parking, which were saved in video home system (VHS) tapes, are no longer available. But all is not lost, because our security also reviewed the CCTV footage at the entrance main lobby and at the 6th floor of the Senate, where my office is located.

With your permission Mr. President I will show to the public the result of the review. Per the CCTV footage review of the ground floor and 6th floor of the Senate building, a lady that resembles Mrs. Ruby Tuason was seen on the following dates and time:

  • November 17, 2008 at 1703:13h (shows picture, points out the bag Tuason was carrying) please note, no duffel bag.
  • November 17, 2008 at 1715:15h (shows picture)
  • November 17, 2008 at 1715:17h (shows picture)
  • November 19, 2008 at 1433:23h (shows picture) again please note Mrs. Tuason’s bag.
  • November 19, 2008 at 1433:24h (shows picture)
  • November 19, 2008 at 1649:50h (shows picture)
  • December 18, 2008 at 1542:15h (shows picture) no duffel bag.
  • December 18, 2008 at 1542:54h (shows picture)
  • December 18, 2008 at 1545:12h (shows picture)

Ngayon ginoong pangulo, matatandaan na sa sinumpaang salaysay ni Mrs. Tuason meron po siyang sinabi na mga transactions patungkol sa aking PDAF na nakakuha daw po ako ng komisyon.

When she was asked if there were other transactions involving the PDAF of Senator Jinggoy Estrada that was completed or consummated by Janet Napoles through Mrs. Tuason, she answered and stated in her sworn statement: – “yes, sir. After this cancelled transaction, Senator Jinggoy Estrada was able to complete transactions involving his PDAF with Janet Napoles because the latter paid the share of Senator Estrada. Part of these transactions appeared in the accounting records of Benhur Luy.” Then she included in her sworn statement this table: (shows Powerpoint presentation)

Pansinin po natin ang mga petsa – March 6, 2008, September 17, 2008, October 16, 2008, at October 28, 2008. Iyan daw po ang mga petsa ng nakakuha ako diumano ng komisyon sa pamamagitan niya. Malamang ito na rin ang mga petsang palalabasin nilang nag-deliver si Mrs. Tuason sa aking opisina. Sa CCTV footage po lumitaw lamang na Nobyembre at Disyembre ng 2008 nagpunta ng Senado si Mrs. Tuason. Wala pong nakita na nagpunta siya ng March, September or October.

Given all these facts, hahayaan ko na pong kayo ang gumawa ng sarili ninyong konklusyon.

And now Mr. President, it will be remembered that Mrs. Tuason was fetched from abroad and grandly escorted back to Manila by NBI agents in February this year. Noticeably, while in Manila, Mrs. Tuason was pampered with security complete with a yaya who carries her bag while she struts around hailed as a “slam dunk” hero, a “buzzer-beater and 3-point winning shooter.”

It is also said that Mrs. Tuason will be free of all criminal liabilities even from the Malampaya scam on the flimsy alibi that it was her dead brother and not she who was involved. And now here comes the “fishy” exit abroad, again courtesy of the Department of Justice.

May I ask why the very special treatment on Mrs. Tuason, and also of Mr. Cunanan, Mr. President?

Is this very special treatment part and parcel of the concessions given to them in exchange for their agreement to pin us down? Is this VIP treatment in exchange for a fabricated story that Ruby Tuason delivered money to me through the basement parking of the Senate and to my house of which she doesn’t even know the address? Is this very special treatment in exchange for the story of allegedly exerting pressure on the implementing agencies?

I demand to know the answers to these disturbing questions, Mr. President!

Mr. President, are these the kind of witnesses that the DOJ is now staunchly vouching and spending for under its Witness Protection Program? People who cannot even be honest about their real educational background? People who would not hesitate to drag the name of a dead brother just to conceal their own guilt? People who pose as reformists and whistleblowers to hide or mitigate their own greed?

Has the DOJ deliberately omitted these facts and information from the Blue Ribbon committee and the public just to support and build their case? Or are they simply not aware because they did not explore the background of these personalities that they are now supporting as provisional state witnesses? Is the DOJ now so desperate to pursue this case that they must now employ half-truths and perjured testimonies?

Is this the handiwork of an undersecretary of the DOJ who, I am informed by unimpeachable sources, has repeatedly instructed the witnesses to focus only on this representation and Senators Enrile and Revilla ?

Pati ang ilang kasamahan natin dito sa Senado ay sinentensiyahan na kami. Masakit at nakakalungkot po ginoong pangulo.

It is unfortunate that some senators have been using the Senate Blue Ribbon committee hearing on the PDAF to advance their own political agenda. They even participate in the trial by publicity by making irresponsible statements and unfounded conclusions.

Mr. President, a Senator even proposed the creation of a special court or division to try the PDAF cases for speedy resolution of the cases.

How can he claim that when it took a special division of the Sandiganbayan six and a half long years to try the plunder case against my father and myself? He must be so desperate to make sure we are convicted by hand-picked justices on the testimony of perjured and coached witnesses.

That Senator, Mr. President, just announced his bid for the presidency in 2016. This is a glaring proof and an undeniable confirmation that he is just using this PDAF controversy to advance his own political agenda.

Ginoong pangulo, may mga nagsasabi na hindi ko raw sinasagot ang mga paratang laban sa akin. Paulit-ulit ko na pong sinabi na sasagutin kong lahat ito sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.

In fact, I have already answered the charges against me in a counter-affidavit submitted before the Ombudsman and I will defend myself before the Sandiganbayan in the unfortunate event that an information is filed before it.

Ginoong pangulo, makailang ulit ko na rin pong sinabi na kaisa ako ng pamahalaan at ng taong bayan sa paghanap ng katotohanan patungkol sa kontrobersiya sa PDAF. Ngunit ang hindi ko po kayang tanggapin at payagan ay ang pagbaluktot ng katotohanan at pagmamani-obra ng mga sitwasyon para paburan ang makapangyarihan at sirain lamang ang iilan.

Maraming salamat po. – Rappler.com


Related stories: 

Wealth check: Cunanan abroad 80 times

Tuason’s ‘Malampaya mansion’ can pay for P40M – Jinggoy

Jinggoy: Cunanan’s TRC still got PDAF

Jinggoy, Cayetano battle over pork, Sexy, 2016

No cash or sandwich in Tuason CCTV so far 

JV on Jinggoy’s ‘good brother’ quip: ‘Aruy!’ 


Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.