Fact checks about Church figures

Hindi kaugnay ng 2016 halalan ang pagkakaalis ni Tagle sa pagkapangulo ng Caritas

Rappler.com
Hindi kaugnay ng 2016 halalan ang pagkakaalis ni Tagle sa pagkapangulo ng Caritas
Pagbabago sa mga statute at regulasyon ng organisasyon ang itinukoy na dahilan ng Vatican sa pagkakaalis sa puwesto ni Cardinal Luis Antonio Tagle bilang pangulo ng Caritas Internationalis kasama ang ilan pang mataas na opisyales

Ang sabi-sabi: Ang pagkakatanggal ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa kanyang pagkapresidente sa Caritas Internationalis ay dahil sa kanyang pagsuporta at pagbibigay ng pondo sa makakaliwang grupo noong 2016 na halalan. 

Sinabi sa isang video: “Matunog ang balitang kaya natanggal si Cardinal Tagle sa Caritas International Leaders ay dahil di umano sa pagsuporta at pagbibigay ng funds nito sa makakaliwang grupo.” 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 27,000 views na sa YouTube.

Ang katotohanan: Ayon sa decree na inilabas ng Vatican noong ika-22 ng Nobyembre, ang pagkakaalis ni Tagle sa kanyang posisyon sa nasabing organisasyon ay bunsod ng gagawing pagbabago sa mga statute at regulasyon ng organisasyon. Si Tagle mismo ang nag-anunsiyo at nagbasa ng nasabing decree.

Bukod kay Tagle, kasama ring inalis sa puwesto ang vice president, secretary-general, treasurer, at ecclesiastical assistant ng organisasyon. 

Nilinaw din ng Dicastery for Promoting Integral Human Development (DPIHD) sa isang pahayag kasunod ng anunsiyo, na maayos ang naging pamamalakad sa pampinansiyal na usapin at mga fundraising goal ng organisasyon. Saklaw ng departamento ng DPIHD ang Caritas Internationalis. 

Sinabi rin sa nasabing pahayag na walang lumabas na mga ebidensiya ukol sa maling pamamahala sa pananalapi at sexual impropriety. 

Sa kanyang pagkakaalis sa pagkapangulo, maglilingkod pa rin sa Caritas si Tagle dahil inatasan siya ng Santo Papa na tulungan si Pier Francesco Pinelli, itinalagang temporary administrator ng Caritas, sa pamamahala ng mga lokal na simbahan at mga miyembro ng organisasyon habang isinasaayos ang pagbabago sa organisasyon. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.