Fact checks on public officials

FACT CHECK: Hindi naglaho ang Facebook page ng Kabataan Partylist account ni Manuel

Rappler.com
FACT CHECK: Hindi naglaho ang Facebook page ng Kabataan Partylist account ni Manuel
Maaari pa ring mapuntahan ang Facebook page ng Kabataan Partylist at account ni Representative Raoul Manuel

Ang sabi-sabi: Naglaho ang mga Facebook pages na hawak ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel matapos itong ma-take down. 

Sinabi sa isang YouTube video na inilathala noong ika-10 ng Enero: “Congressman Raoul Manuel, nadurog sa karma matapos makarma nang ma-take down ang lahat ng kanyang mga Facebook pages. Raoul, sa wakas, nabawasan na ng mga platform sa social media na ginagamit niya upang makapanghikayat ng mga kabataan na kalabanin ang pamahalaan.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check:
Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 8,000 na view sa kasalukuyan. Ang link ng nasabing video ay laman din ng ilang post sa Facebook.

Ang katotohanan: Sa ginawang pagcheck ng Rappler noong ika-10 ng Enero, kita pa rin ang Facebook page ng Kabataan Partylist, maging ang account ni Manuel

Ang page at account ay parehong mayroon ring post noong ika-8 ng Enero. 

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa Facebook pa rin ang nasabing pahina at account. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.