Disaster Fact Checks

Hindi sinabi ng mayor ng Midsayap na mawawalan ng kuryente sa North Cotabato

Rappler.com
Hindi sinabi ng mayor ng Midsayap na mawawalan ng kuryente sa North Cotabato
Ayon kay Rolly Sacdalan, mayor ng Midsayap, hindi totoong mawawalan ng kuryente sa North Cotabato dahil wala naman daw hydro-electric dam dito

Ang sabi-sabi: Ayon kay Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, limang araw na mawawalan ng kuryente ang Cotabato dahil sa pagkasira ng dam na dulot ng malakas na ulan. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ipinakalat ang sabi-sabi sa ilang post sa Facebook at ipinapakalat din ito sa iba’t ibang mga group chat sa Messenger. 

Ang katotohanan: Pinabulaanan ni Sacdalan ang nasabing post sa kanyang Facebook account at page noong ika-28 ng Oktubre. 

Ayon sa post ni Sacdalan sa kanyang Facebook account, hindi ito totoo dahil wala naman daw hydro-electric dam sa North Cotabato, at sa coal at geothermal na mga planta sila kumukuha ng kuryente. 

Dagdag pa ni Sacdalan sa kanyang Facebook page na tanging ang Cotabato Electric Cooperative (COTELCO) o ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) lamang ang maaaring maglabas ng paalala kung mawawalan ng kuryente. 

Pinaalala rin niyang hindi nakatutulong ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon lalo na sa panahon ng kalamidad. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.