Fact check - gov't services/laws

FACT CHECK: Hindi economic sabotage ang pagtutol sa proyekto ng gobyerno

Rappler.com
FACT CHECK: Hindi economic sabotage ang pagtutol sa proyekto ng gobyerno
Sinisiguro ng Konstitusyon ang karapatan sa pananalita at pagpapahayag ng bawat Pilipino

Ang sabi-sabi: Maituturing na economic sabotage ang pagbatikos sa mga planong proyekto ng gobyerno. 

Sinabi sa video: “Lahat-lahat ng gustong gawing proyekto ng ating gobyerno ay babatikusin nitong mga anti-Marcos na ito kahit ang totoo naman ay sa ikagaganda naman ng Pilipinas ang mga plano na ito ng pamahalaan. So dito pa lang ay puwede ba nating masabi na itong ginagawa ng mga tao na siraan ang administrasyon ni President Bongbong Marcos ay isa ring uri ng economic sabotage…”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 32,000 na view. 

Ang katotohanan: Hindi maituturing na economic sabotage ang pagbatikos o paglalahad ng taliwas na opinyon sa mga plano ng gobyerno. 

Bilang isang demokratikong bansa, nakasaad sa Konstitusyon ng bansa ang karapatan ng bawat isa na maihayag nang malaya ang kanyang opinyon. Hindi naman tayo China o Russia, di ba?

Nakasaad sa Sec. 4 ng Art. 3 ng 1987 Constitution: “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. 

Ang mga gawain tulad ng hoarding, smuggling, profiteering o price manipulation, pamememeke ng mga dokumento ng Land Transportation Office (LTO), swindling, estafa, at ilegal na recruitment ang ilan sa tinutukoy na uri ng economic sabotage ayon sa ilang mga batas.

Mga batas na nagpaparusa sa mga gawaing itinuturing na economic sabotage: 

  • Presidential Decree No. 1730, s. 1980 – pamemeke ng form, document, plate, at sticker ng LTO
  • PD 1689, s. 1980 – swindling o estafa
  • PD 2018, s. 1986 – illegal recruitment
  • Executive Order No. 913, s. 1983 – pagpapalakas sa kapangyarihan ng opisinang mangangalaga sa karapatan ng mga mamimili
  • EO 436, s. 1990 – nagprotekta sa mga mamimili noong kasagsagan ng Bagyong Ruping noong 1990
  • Republic Act No. 10845, s. 2016 – large-scale agricultural smuggling

– Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.