Russia-Ukraine crisis

Mga reservist lang ang ipadadala ng gobyerno ng Russia sa kanilang partial mobilization

Rappler.com
Mga reservist lang ang ipadadala ng gobyerno ng Russia sa kanilang partial mobilization
Nilinaw ni Defense Minister Sergei Shoigu na ang mga reservist ay iyong mga nakapagsilbi na, mayroong military registration specialty, at pang-militar na karanasan

Ang sabi-sabi: Sapilitang ipadadala sa Ukraine ang mga kalalakihang Ruso na nasa tamang edad para sa giyera.

Sinabi sa isang video sa Facebook, “Putin nagpaplano na ideklara ang Martial Law sa Russia. Mga kalalakihang nasa tamang edad para sumabak sa giyera, sapilitang ipapadala sa Ukraine.”

Marka: KULANG SA KONTEKSTO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 158,000 na share, 5,900 na reaksiyon, at 261 na share. 

Ang katotohanan: Tanging ang mga reservist lamang ang maaaring maipadala sa Ukraine.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa kanyang deklarasyon noong ika-21 ng Setyembre, tungkol sa partial mobilization kaugnay ng kanilang pagsakop sa Ukraine, na kanilang ipadadala ang kanilang 300,000 reservist sa nasabing bansa. Nilinaw ni Defense Minister Sergei Shoigu na ang mga reservist ay iyong mga nakapagsilbi na, mayroong military registration specialty, at pang-militar na karanasan.

Ayon kay Pavel Chekov, isang human rights defender sa Russia, ang mga kababaihang mayroong military registration specialty ay kasama sa mga maaaring maipadala. 

Umani ng samu’t-saring protesta ang deklarasyon ng mobilisasyon dahil, ani ng mga nagpoprotesta, ang naturang mobilisasyon ay pagpapadala ng libo-libong Ruso sa kanilang kamatayan. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.