SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Pakinggan sa iTunes at sa Spotify
MANILA, Philippines – Sa Linggo, Marso 17, 2019, opisyal nang kakalas ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay dahil sa sariling desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasawalang-bisa ang Rome Statute.
Ang pagkalas na ito ay tila pagbasura sa ginawang pagsisikap ng mga human rights advocates na mapasama tayo sa ICC, isang prosesong tumagal ng 11 taon.
Ang pagkalas ni Duterte ay nangyari matapos ianunsyo ng ICC Prosecutor na maglulunsad na siya ng preliminary examination sa libo-libong patayan sa kampanya ng administrasyon laban sa droga.
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng human rights reporter na si Jodesz Gavilan at justice reporter na si Lian Buan ang iba’t-ibang implikasyon ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC. – Rappler.com
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.