SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Pakinggan sa iTunes at sa Spotify
MANILA, Philippines – Libo-libong motorcycle riders ang nagprotesta laban sa Motorcycle Crime Prevention Act na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong Marso.
Layunin ng tinatawag na doble-plaka law na masolusyunan ang mataas na bilang ng patayan sa Pilipinas na isinasagawa ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. Ang rekisito ng batas: maglagay ng malaking plaka sa unahan at likuran ng bawat motorsiklo para madaling makilala registration details ng sasakyan. (READ: Doble plaka law: DUterte’s band-aid to stop killings)
Maraming nagmamaneho ng motorsiklo ang umalma dahil hindi raw tamang ibinibilang sila sa mga mamamatay-tao. Hindi rin daw madali at ligtas na sila’y maglagay ng malalaking plaka sa kanilang motorsiklo.
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng Philippine National Police reporter Rambo Talabong at ng researcher-writer na si Jodesz Gavilan ang iba’t ibang aspekto ng kontrobersiyang ito.
Sapat bang solusyon ang doble-plaka law sa napakaraming patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte? Saan ito nagkulang? At mapipigilan pa ba ang implementasyon nito? – Rappler.com
PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.