crimes in the Philippines

[PANOORIN] 2 kaibigan ni Jemboy Baltazar, patay

Rappler.com
[PANOORIN] 2 kaibigan ni Jemboy Baltazar, patay
Si John Rey 'Rey-Rey' Basie ang target ng mga pulis sa operasyon kung saan napatay si Jemboy. Kasama naman ni Daniel si Rey-Rey nang patayin siya ng mga hindi pa rin nakikilalang salarin.

MANILA, Philippines – Tatlong magkakaibigan patay sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nitong October 6, natagpuan si John Rey “Rey-Rey” Basie, 18, na wala nang buhay sa tulay ng Pama Sawata, sa Barangay NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.

Nakita ang katawan ni Rey-Rey malapit sa ilog kung saan pinatay ng mga pulis ang kanyang kaibigang si Jerhode Jemboy Baltazar na edad 17 nang masawi. Si Rey-Rey ang ikatlong biktima ng pagpaslang sa mga kabataan sa kanilang lugar, matapos si Jemboy noong Agosto, at ang isa pa nilang kaibigan na si Daniel Soria nitong Setyembre.

Ngunit hindi lang pagkakaibigan ang nagdidikit sa kanilang mga kaso. Si Rey-Rey ang target ng mga pulis sa operasyon kung saan napatay si Jemboy. Kasama naman ni Daniel si Rey-Rey nang patayin siya ng mga hindi pa rin nakikilalang salarin sa Malabon City.

I-click ang video sa itaas para mapanood ang buong ulat ni Rappler justice and police reporter Jairo Bolledo. – Rappler.com

Reporter: Jairo Bolledo
Producer: JC Gotinga
Production specialist: Ulysis Pontanares

Download the Rappler App!