COVID-19 Fact Checks

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga COVID-19 conspiracy theories

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga COVID-19 conspiracy theories
Habang patuloy ang paghahanap ng lunas sa COVID-19, nagkalat din ang mga sabi-sabi kung saan at kanino nagsimula ang pandemya

Gawa-gawa nga lang ba ng “globalists” and COVID-19? May kinalaman ba si Bill Gates sa pagsulpot ng sakit na ito? I-fact check natin ‘yan!

Suriin at i-fact check natin ang lima sa conspiracy theories tungkol sa COVID-19.

Una, hindi raw totoo ang COVID-19 at gawa-gawa lang ang sakit na ito para maisagawa ang mass extermination. Totoo ba ito? Hindi!

Pangalawa, ang bilyonaryong si Bill Gates daw ang gumawa ng COVID-19 at naaresto pa nga raw siya ng Federal Bureau of Investigation dahil dito. Ano ‘yung totoo?

Pangatlo, magkakaroon daw ng microchips ang mga bakuna para sa COVID-19. Magiging sapilitan din daw ang paglalagay nito sa katawan ng mga tao sa bisa ng US House Resolution 6666. Totoo ba ito?

Pang-apat, may kinalaman daw ang 5G networks sa pagkalat ng virus. ‘Yung totoo?

At panlima, pinaalis daw ng Tanzania sa bansa ang World Health Organization dahil sa kawalan ng tiwala sa organisasyon. Hindi ito too.

May nakita ka bang kahina-hinalang post sa social media? Ipadala ang screenshot at link nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com