Fact Checks about media

[WATCH] ’Yung Totoo? | 5 pekeng kuwento tungkol sa hindi raw ibinalita ng media

[WATCH] ’Yung Totoo? | 5 pekeng kuwento tungkol sa hindi raw ibinalita ng media
Sinasabi sa social media na hindi raw ibinalita ng media ang mga importanteng isyu o pangyayaring ito. ’Yung totoo?

Hay nako, besh! Sa dinami-dami ng post na nagsasabing hindi ibinalita ng media ang ganito’t ganyan, ’di ko na alam kung mapagkakatiwalaan ko sila o hindi!

Pero… mapagkakatiwalaan naman ba ang mga post na ganito? Nakakalito naman! Ano ’yung totoo?

I-fact check natin ang 5 sabi-sabi sa social media tungkol sa mga importanteng isyu na hindi raw ibinalita ng media.

Una, hindi raw ibinalita ng media na nagtayo ng quarantine facilities ang Department of Public Works and Highways sa gitna ng pandemyang COVID-19. Ito raw ay dahil binayaran ang media para sirain ang imahen ni Pangulong Rodrigo Duterte. Weh? ’Yung totoo?

Pangalawa, hindi raw nakita ng media na kaunti lang ang namatay at nawala noong Super Typhoon Rolly na nangyari sa panahon ni Pangulong Duterte, pero noong Super Typhoon Yolanda sa panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino, oras-oras ang pagbabalita nila tungkol sa mga bagay na ito. ’Yung totoo?

Pangatlo, may tsismis na walang naiulat tungkol sa mga kasong malversation na isinampa laban kay dating pangulong Noynoy Aquino, dating senador Antonio Trillanes IV, at Senador Franklin Drilon. Kontrolado raw kasi ng Liberal Party ang ABS-CBN. Talaga ba? ’Yung totoo?

Pang-apat, diumano’y hindi sinabi ng “local mainstream media” na mababa ang fatality rate ng COVID-19 noong Enero 2020 at kadalasang nakakaligtas ang mga pasyente. ’Di nga? ’Yung totoo?

At, pang-lima, hindi raw ibinalita ng mainstream media ang pagtatayo ng temporary shelters sa Marawi. Hindi ’yan totoo!

Ayan, besh, 5 pekeng istorya na nagsasabing hindi ibinalita ng media ang mga importanteng isyu o pangyayari. Sa susunod, suriin mo muna ang post bago i-share!

At kung may nakita kang kaduda-dudang post tulad ng ipinakita sa video na ito, magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com