crimes in the Philippines

PANOORIN: Ano ang koneksyon ng pagkamatay ni Jemboy at 2 kaibigan?

Rappler.com
PANOORIN: Ano ang koneksyon ng pagkamatay ni Jemboy at 2 kaibigan?
Hindi natapos kay Jerhode Jemboy Baltazar ang patayan. Sumunod ding napaslang ang dalawa pa niyang kaibigan.

MANILA, Philippines – Hindi natapos kay Jerhode Jemboy Baltazar ang patayan.

Matapos paslangin ng mga pulis ang 17-anyos na si Jemboy sa Navotas City noong August 2, sumunod na pinatay din ang dalawa pa niyang kaibigan.

Pinaslang ng mga hindi pa rin nakikilalang salarin si Daniel Soria, 20, sa Malabon City noong September 2. Nito lamang October 6, nakita namang wala ng buhay ang 18-anyos na si John Rey Basie.

Bukod sa pagkakaibigan, ano pa ang koneksyon sa isa’t isa ng pagkamatay ng tatlong kabataan?

Reporter/ writer: Jairo Bolledo
Producers: JC Gotinga, Nina Liu
Production specialist: Ulysis Pontanares
Video editor: Jaene Zaplan
Supervising producer: Beth Frondoso

Download the Rappler App!