Philippine GDP

EXPLAINER: Ano ang GDP?

Rappler.com
EXPLAINER: Ano ang GDP?
Bakit mahalagang maunawaan ang gross domestic product? Panoorin ang TikTok video na ito.

MANILA, Philippines – Ang gross domestic product o GDP ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na ginagawa sa isang bansa sa loob ng itinakdang panahon.

Kung mas malaki ang growth rate o ang laki ng itinaas ng GDP, mas lumalakas ang ekonomiya. Pero kung negatibo naman ang growth rate, lumiliit ang ekonomiya at maaaring humantong ito sa recession o ang pagliit ng siklo ng negosyo.

Sa TikTok video na ito, ipinapaliwanag ni Rappler reporter Ralf Rivas kung bakit mahalagang maunawaan ang GDP. Itinatalakay rin ang limitasyon ng naturang numero sa pagtukoy sa mga problemang pang-ekonomiya ng bansa. – Rappler.com