SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
MANILA, Philippines – Dahil ang Agosto’y Buwan ng Wika, nangalap ang Rappler sa social media ng maiikling tula – mga #Tweetanaga!
Ang “tweetanaga” ay pinagsamang salitang “tweet” at “tanaga.” Katulad ng patimpalak ng Rappler noong 2013 at 2016, pinagkasya ng mga manunulat ang katutubong tula sa isang Twitter post o 140 characters.
Ang tanaga ay may:
- 4 na linya
- 7 pantig o syllables sa bawat linya
- tugma or rhyme pattern na noong unang panahon ay isahan (monorhyme), pero kalauan ay ginamitan na ng iba’t ibang kombinasyon: aa-bb (magkatugma ang unang dalawang linya, at ganun din ang huling dalawa), ab-ab, abba.
Narito ang 6 na pinakamahusay na tweetanagang natanggap namin, ayon sa aming mga patnugot. Mabuhay ang mga makata!
Umaga na Marawi
— nery (@makatalakbayan) August 15, 2017
Ngunit inuulit lang
Nitong mangangalakal
Ang iyong hatinggabi.#Tweetanaga @rapplerdotcom
Paggiling at pagkembot:
— HB (@neonlights_16) August 13, 2017
Buhay niya, d’yan umikot
Sa perang kakarampot
Hinubad, huling saplot.#Tweetanaga @rapplerdotcom
"Trapo"
— JT (@jeffpee7) August 12, 2017
Hinalal ka ng bayan
Ngunit anong ginawa
Nagpasasa sa yaman
Dugo’t pawis ng dukha. #Tweetanaga @rapplerdotcom
Sa mundong sinungaling
— Macy (@CastilloMisha) August 11, 2017
Kayamana’y aanhin?
Lipunang mapanghusga
Kinang ang nakikita#Tweetanaga @rapplerdotcom
At natapos din ito
— Aryaya dub (@KokoKruncher) August 11, 2017
Ating magulong kwento
May "ikaw" at may "ako"
Ngunit wala nang "tayo"#Tweetanaga #AkoIkawTayo
"kahit batid ang sakit
— sam (@sammalcala) August 17, 2017
pilit pa ring kumapit
hanggang ako’y nagising
‘di ka magiging akin" https://t.co/LEiN3KZQVe
– Rappler.com
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.