governance

Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Senador

Rappler.com
Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Senador
Ano ang mga kapangyarihang ipinagkakaloob mo, ano ang mga pananagutan at paglilingkod na dapat mong asahan kapag naghalal ka ng isang senador?
Termino
  • Anim na taon simula sa tanghali ng Hunyo 30 pagkatapos ng eleksiyon
  • Maaaring maihalal nang dalawang magkasunod na termino
Mga Kalipikasyon
  • Ipinanganak sa Filipinas
  • 35 taóng gulang pataas sa araw ng eleksiyon
  • Nakapagbabasá at nakapagsusulat
  • Rehistradong botante
  • Residente ng FIlipinas nang may dalawang taon bago ang eleksiyon 
Mga Kapangyarihan at Pananagutan
  • Paglikha ng mga panukalang batas, resolusyon, kapanabay na resolusyon, at mga simpleng resolusyon
  • Pangatwiranan ang mga ipinanunukalang batas sa kinauukulang komite at sa mga sesyong plenaryo
  • Pagsasagawa ng mga pag-iimbestiga alang-alang sa paggawa ng mga batas
  • Pagpapanukala at pagsang-ayon nang may enmiyenda sa apropyason ng mga pondo ng Mababang Kapulungan
  • Paglitis at pagpapasiya sa mga kaso ng pagpapatalsik
  • Pagdedeklara ng pag-iral ng kalagayang nasa digmaan (dalawang-katlong boto kasama ang Mababang Kapulungan, bumoboto nang magkakahiwalay)
  • Pagpapahintulot sa pangulo na gamitin ang kapangyarihan sa pagtupad ng isang idineklarang pambansang patakaran “sa limitadong panahon at umaalinsunod sa mga restriksiyon” sa panahon ng digmaan o iba pang pambansang kagipitan
  • Pagkansela o pagpapalawig sa proklamasyon ng batas militar ng pangulo
  • Pagsang-ayon o pagtanggi sa amnestiya ng pangulo
  • Pagsang-ayon o pagtanggi sa mga tratado o internasyon na kasunduan (dalawang-katlong boto)
  • Pagpapanukala ng mga enmiyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng konstitusyonal na asamblea o kumbensiyong konstitusyonal 
  • Pagsisiwalat nang ganap ng mga interes na pinansiyal at pangkalakalan, at pag-aabiso sa kámara ng mga posibleng salungatan sa interes kapag nagsumite ng  batas na awtor sila

Sanggunian: Konstitusyon ng Republika ng Filipinas ng 1987; Artikulo sa Rappler: Beyond Legislation: Powers, roles of Philippine lawmakers    

– Rappler.com

Isinalin ni Dr. Michael M. Coroza ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) mula sa orihinal na Ingles ni Michelle Abad ng Rappler.com.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.