2022 PH presidential race

BOSES NG KALYE: Sino ang iboboto ng mga taga-Naga ngayong 2022?

Rappler.com
BOSES NG KALYE: Sino ang iboboto ng mga taga-Naga ngayong 2022?
Dinayo ng Rappler ang Naga City para tanungin ang pulso ng madla: Sino ang kanilang iboboto bilang pangulo sa May 2022? Panoorin!

This video is part of a series that seeks to get a random pulse of sentiments on the ground during a particular period of time and in a particular place. It is by no means indicative of scientific trends among potential voters.

Pang-anim ang Bicol region sa may pinakamaraming registered voters na boboto ngayong halalan. Isa sa mga lungsod dito ay ang Naga City, na balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Dito siya nag-umpisa sa larangan ng politika, kaya naman dito rin niya itinanghal ang kanyang unang proclamation rally noong Pebrero 8 nang magsimula ang kampanya.

Pero may tiwala pa rin ba ang mga taga-Naga kay Robredo bilang lider? O mas napupusuan na nila ang ibang mga kandidato?

Dinayo ng Rappler ang Naga City para alamin ang pulso ng madla: Sino ang kanilang iboboto bilang pangulo sa Mayo 2022? At ano ang hinahanap nila sa isang pangulo?

Panoorin ang video na ito. – Rappler.com

Panoorin ang ibang Kalye Kuwentuhan: