Filipino culture

[PANOORIN] Mula Bataan hanggang Los Angeles: Ang tricycle sa Amerika

Rappler.com
[PANOORIN] Mula Bataan hanggang Los Angeles: Ang tricycle sa Amerika
Panoorin ang kuwento ni Ryan Sotto, ang OFW sa Los Angeles na nag-import ng tricycle mula sa bayan niya sa Bataan

Hanggang saan aabot ang biyahe ng tricycle mo? Kaya ba hanggang Hollywood Boulevard?

Para sa isang overseas Filipino worker (OFW) na namamasada sa Amerika, kayang kaya.

Si Ryan Sotto, isang alahero sa Los Angeles, California, ay nag-import ng tricycle mula sa bayan niyang Mariveles, Bataan.

Mula sa isang libangan sa pagmomotor, naisipan ni Sotto magpadala ng ligaya sa mga Pilipinong na-mi-miss nang magkomyut sa Pilipinas. Hindi matiis ng ilang Pilipino na magpakuha ng litrato tuwing nakikita ang kakaiba, ngunit pamilyar, na sasakyan sa Amerika.

Panoorin ang kuwento ni Sotto sa video na ito. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!