Philippine National Police

Ano ang dapat na trabaho ng PNP sa ilalim ng batas?

Jairo Bolledo

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Ano ang dapat na trabaho ng PNP sa ilalim ng batas?

POLICE FORCE. Members of the Quezon City Police Department arrest 'drug pushers' during a sImulation exercise at Barangay Batasan Hills in Quezon CIty on June 18, 2021, as part of security preparations for President Duterte's final State of the Nation Address at the House of Representatives.

Rappler

Narito ang mga gawain at mandatong dapat na ipinatutupad ng pambansang pulisya

MANILA, Philippines – Ang republika ng Pilipinas ay pinoprotektahan ng mga hukbo ng pulisya at militar sa anumang uri ng panganib. Malinaw na nakasaad ‘yan sa ilalim ng 1987 Constitution. 

Pero sa nagdaang administrasyon, sa ilalim ng pamamahala ni dating pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon ng ibang pagtingin sa militar at pulis, lalong-lalo na sa Philippine National Police (PNP). Dahil pangako ni Duterte na tatapusin niya ang problema sa droga at kriminalidad, nagdeklara siya ng giyera kontra droga sa pangunguna ng PNP. 

Sa loob ng anim na taon, libo-libo ang nawalan ng buhay. Marami ring naitalang mga iregularidad sa mga operasyong ito, gaya ng mga suspek na napatay dahil umano’y nanlaban. Marami ring namatay na mga inosenteng tao. 

Sa kabila ng mga dagok na ito sa PNP, ano nga ba ang dapat na trabaho ng pulisya sa ilalim ng ating batas? 

Ano ang dapat na trabaho ng PNP sa ilalim ng batas?
Mandato ng PNP

Naitatag ang pambansang pulisya sa ilalim ng Batas Republika bilang 6975 o “An Act Establishing the Philippine National Police under a reorganized Department of the Interior and Local Government (DILG).” Ang PNP ay direktang pinangangasiwaan ng DILG. 

Base sa kanilang website, ang PNP ay naniniwala sa tatlong pilosopiya: serbisyo, karangalan, at hustisya. Sa kanilang mandato, ang pambansang pulisya ang may responsibilidad na ipatupad ang batas, at maiwasan at makontrol ang mga krimen. 

Must Read

Ang human rights ay para sa lahat, hindi lamang sa mga ‘kriminal’

Ang human rights ay para sa lahat, hindi lamang sa mga ‘kriminal’

Kasama rin sa trabaho ng PNP na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa, at siguraduhin ang kaligtasan ng publiko. Dapat din na ang pulis ang nangangalaga sa seguridad panloob ng Pilipinas sa tulong ng mga komunidad. 

Sa kanilang website, isinasaad din ng PNP na mayroon pa silang iba pang mga priyoridad na gawain. Ito ang: 

  • Gamitin ang kapangyarihang iniatang sa kanila ng Konstitusyon at iba pang mga batas. 
  • Ikulong ang isang taong arestado nang hindi tatagal sa oras na itinakda ng batas. 
  • Ipatupad ang mga batas at regulasyong sumasaklaw sa pagkontrol ng mga baril at pampasabog. 
  • Pangasiwaan ang mga pagsasanay at operasyon ng iba pang mga ahensiya na may kinalaman sa seguridad. 
Ano ang sinasabi ng batas?
  • Sa ilalim ng Konstitusyon. Ang sabi ng 1987 Constitution, ang Pilipinas ay dapat mayroong isang puwersang pulisya na pambansa ang saklaw at may katangiang pang-sibilyan. Ang PNP ay nasa ilalim ng pangagasiwa ng National Police Commission (Napolcom). Sa ilalim din ng Konstitusyon, ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ang dapat na mangagasiwa sa mas maliliit na paksiyon ng mga pulis.

  • Hindi tulad ng militar. Sa ikalawang seksiyon ng RA 6975, malinaw na isinasaad na saklaw dapat ng PNP ang buong bansa at may katangian itong gaya ng sa mga sibilyan o pangkaraniwang tao. Ang mga bagay na ito ay idinidiing nararapat maipatupad sa ilalim ng batas.

  • Ano ang ibig sabihin ng may katangiang sibilyan? Dapat na nakikita ng komunidad na kaisa at kabilang sa kanila ang mga tauhan at opisyal ng PNP. Hindi tulad ng pagtingin ng lipunan sa mga tauhan at opisyal ng militar, ang mga pulis ay dapat na mas malapit sa mga komunidad. Ang prinsipyong ‘yan ay sinusuportahan din ng RA 6975, na nagsasabing dapat walang elemento ng PNP ang magmumula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) o aktibong miyembro ng militar.
Ano ang dapat na trabaho ng PNP sa ilalim ng batas?
  • Pangangasiwa ng Napolcom. Tulad ng nakasaad sa Konstitusyon, pinangagasiwaan ng Napolcom, na nasa ilalim ng DILG, ang PNP. Ang Napolcom ang sumusuri sa mga trabaho, gawain, at mga pasilidad ng PNP. Bukod dito, ang Napolcom din ang gumawa ng manwal ng PNP para sa mga regulasyon at batas sa pulisya gaya ng pagpili ng mga tauhan, promosyon, at maging pagreretiro.

  • Mga unang miyembro. Nabuo ang PNP nang pagsamahin ang Integrated National Police (INP) at ang Philippine Constabulary (PC). Ibig sabihin, ang ilan sa mga naunang miyembro nito ay mula sa PC at INP. Bukod dito, may ilan ding mga naunang tauhan na nagmula sa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, at Philippine Coast Guard.

  • Relasyon sa AFP. May malalim na relasyon din ang PNP sa AFP. Sa ilalim ng RA 8551 o “Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998,” inatasan ang PNP na mangasiwa sa pagpapatupad ng batas, habang nakatutok naman sa pambansang seguridad ang AFP. Maaari ring tumulong ang PNP sa pagsugpo ng AFP laban sa rebelyon o pag-aalsa.

Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Jairo Bolledo

Jairo Bolledo is a multimedia reporter at Rappler covering justice, police, and crime.