Fact checks on public officials

FACT CHECK: Gumugulong pa rin ang murder complaint laban kay Bantag

FACT CHECK: Gumugulong pa rin ang murder complaint laban kay Bantag
Humaharap pa rin si suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag sa murder complaints kaugnay ng pagkakapaslang sa broadcaster na si Percy Lapid

Ang sabi-sabi: Ibinasura na ang mga reklamo laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag. 

Ito ang pamagat ng isang YouTube video: KAKAPASOK LANG HALA! PBBM RAFFY TULFO NACORNER si CATAPANG REMULLA KlNASUHAN BANTAG KASO DlSMlSS NA!

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 57,454 view sa YouTube at inilathalang muli sa Facebook.

Ang katotohanan: Gumugulong pa rin ang mga murder complaint laban kay Bantag, Ricardo Zulueta, at ilang persons deprived of liberty (PDL) na sangkot sa pagkakapatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Matatandaang noong Enero 5 ay sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na tuloy pa rin ang mga nakasampang reklamo laban kay Bantag. Ito ay kaugnay ng naging tugon ng kalihim sa isinampang reklamo ni Bantag laban sa kanya. Tinawag ito ni Remulla na “desperate acts.” – Ailla dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.