Fact checks on public officials

Napabulaanan na ang pagkakasangkot ni Hontiveros sa mga anomalya sa PhilHealth

Rappler.com
Napabulaanan na ang pagkakasangkot ni Hontiveros sa mga anomalya sa PhilHealth
Napabulaanan na ng mga fact check ng Rappler at VERA Files ang pagkakasangkot ni Risa Hontiveros sa mga pondong nawala o hindi nagamit nang tama sa PhilHealth

Ang sabi-sabi: Walang klaripikasyon hanggang ngayon ang isyu ng pagkakasangkot ni Senador Risa Hontiveros sa mga umano’y anomalya sa PhilHealth noong siya ay miyembro ng board nito.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong nang 13,400 na view, 1,143 na like, 123 na komento, at 39 na share sa TikTok.

Ang katotohanan: Napabulaanan na ng mga fact check ng Rappler at VERA Files ang pagkakasangkot ni Risa Hontiveros sa mga anomalya ng PhilHealth. 

Sa artikulong nailathala ng VERA Files noong 2018, pinabulaan ng dating corporate communication manager ng PhilHealth na si Rey Baleña na hindi kasama si Hontiveros sa mga sangkot sa unauthorized release ng mga bonus ng PhilHealth noong 2009, 2010, at 2014. 

Pinabulaanan naman ni Hontiveros noong 2020 ang mga sabi-sabing nag-uugnay sa kaniya sa nawawalang P15 bilyong pondong ninakaw sa PhilHealth noong 2019. 

Ang nasabing pagnanakaw ay nangyari noong 2019, apat na taon matapos bumaba si Hontiveros sa pagiging board member ng nasabing ahensiya noong Oktubre 2015 upang kumandidato sa pagkasenador noong 2016. 

Narito ang ilan pang fact check na nailathala ng Rappler tungkol sa kaugnay na mga sabi-sabi: 

– Ailla dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.