Alamin kung paano mag-fact-check ng mga advertisement na nakikita natin online
MANILA, Philippines – Huy! Nakita mo rin ba?
Naglipana sa Facebook ang samu’t saring advertisement ng health products. Sinasabing lunas daw sa ilang sakit ang mga produktong ito. Ginagamit nila ang mga pangalan at imahe ng mga doktor at ospital.
Ang tanong, totoo ba ang claims nila?
Panoorin ang fact check na ito, at alamin kung paano mag-fact-check ng mga advertisement online. – Rappler.com