COVID-19 vaccines

5 maling akala tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19

Pauline Macaraeg

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

5 maling akala tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19

VACCINATION. Quezon City residents, mostly seniors, receive their second dose of the AstraZeneca COVID-19 vaccine at the Immaculate Heart of Mary Parish on August 13, 2021, while the NCR is on a two-week enhanced community quarantine.

Jire Carreon/Rappler

Narito ang ilang maling akala tungkol sa mga bakuna, at ang mga dahilan kung bakit hindi dapat paniwalaan ang mga ito

Ikaw ba, o mga kakilala mo, ay takot magpabakuna laban sa COVID-19 dahil narinig mong nakamamatay daw ito? Marahil ay nag-aalangan ka dahil naiisip mong baka wala naman talagang bisa ang mga bakuna dahil patuloy pa rin ang pandemya. O baka iniisip mong masyadong mabilis naging mabilis ang pag-develop ng mga ito kaya walang kasiguruhang ligtas itong gamitin.

Hindi masamang ikonsidera ang mga bagay na ito bago magpabakuna, hindi dapat matapos sa mga ito ang pagdedesisyon kung dapat ka bang magpabakuna o hindi. Habang patuloy na kumikitil ng buhay ang COVID-19 – sa mahigit na 4.3 milyong tao sa buong mundo, at hindi bababa sa 29,000 sa Pilipinas pa lang – importanteng maintindihan kung paano ba talaga gumagana ang mga bakuna at paano nila pinoprotektahan ang mga tao laban sa malubhang karamdaman o pagkamatay dahil sa COVID-19.

Narito ang lima sa kumakalat na kasinungalingan at maling akala tungkol sa mga bakuna, at ang mga dahilan kung bakit hindi dapat paniwalaan ang mga ito.

Maling akala 1: Nakamamatay ang mga bakuna at mas mapanganib pa ito kaysa sa sakit.

Ang katotohanan: Ginawa ang mga bakuna para protektahan ang mga tao sa nakamamatay na sakit, hindi para makamatay. Mahigit 4.3 milyong tao na ang namatay sa COVID-19, ngunit wala pang ulat na alin man sa pagkamatay na ito ay napatunayang direktang bunga ng mga bakuna.

Marami sa mga naiulat na pagkamatay ng mga nabakunahan ay hindi naman napatunayang dulot ng mga bakuna. Halimbawa, sa Germany, may naiulat na 10 taong namatay matapos mabakunahan, ngunit sinabi ng gobyerno na hindi naman ang bakuna ang naging sanhi nito.

Ipinakita ng iba’t-ibang pag-aaral na epektibo ang mga bakuna laban sa COVID-19. Kahit na maaari pa ring mahawa ang mga nabakunahan, sinabi ng mga health professional na bihira ang ganitong kaso. Karaniwan ay banayad lamang ang sintomas, at madalas ay hindi nagtutuloy sa malubhang sakit o kamatayan.

Must Read

COVID-19 breakthrough infections: What you need to know

COVID-19 breakthrough infections: What you need to know

Noong Hunyo, iniulat ng Associated Press na halos lahat ng namatay dahil sa COVID-19 sa United States ay mga hindi nabakunahan. Ayon naman sa ulat ng Reuters noong Agosto 5 tungkol sa datos mula sa kagawaran ng kalusugan ng Indonesia, mas mataas nang higit tatlong beses ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Jakarta na hindi nabakunahan kompara sa mga naturukan na.

Basahin ang mga fact check na ito para sa karagdagang kaalaman:

Maling akala 2: Nagdudulot ng matinding side effect ang pagpapabakuna.

Ang katotohanan: Maaaring magdulot ng iba’t-ibang side effect ang iba’t-ibang bakuna laban sa COVID-19, ngunit normal lang ang mga ito at senyal ito na gumagana ang immune system ng katawan.

Karaniwang side effects ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang pamamaga o pamumula ng braso, pagkapagod, sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, panginginig, lagnat, at pagkahilo.

Samantala, pawang kasinungalingan at walang basehan ang mga tsismis na ang bakuna ay nakapagpapahina ng immune system, nakababaog, bumabago ng DNA, o ginagawang magnetic ang katawan.

“Serious side effects that could cause a long-term health problem are extremely unlikely following any vaccination, including COVID-19 vaccination,” sabi ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

(Sa anomang pagbabakuna, kabilang na ang laban sa COVID-19, malabong mangyari na magkaroon ng malubhang side effects na maaaring magdulot ng pangmatagalang sakit.)

Sinasabi rin ng mga pag-aaral at mga eksperto sa buong mundo na ang mabuting dulot ng pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay higit na malaki kaysa sa panganib na maaari dalhin nito.

Basahin ang mga fact check na ito para sa karagdagang kaalaman:

5 maling akala tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19
Maling akala 3: Nagdudulot ng COVID-19 ang mga bakuna.

Ang katotohanan: Hindi maaaring magdulot ng COVID-19 ang mga bakuna. Wala sa mga bakunang kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas ang naglalaman ng mataas na antas ng live virus.

Hanggang Huwebes, Agosto 11, may pitong tatak ng bakuna ang ginagamit sa bansa: Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Pfizer, Johnson & Johnson, Moderna, at Sinopharm. Ang mga bakunang ito ay gumagana sa iba’t-ibang paraan, pero ang lahat ng ito ay napatunayang ligtas at epektibo laban sa COVID-19.

Maaaring pangkatin ang mga bakunang ito sa tatlong uri: inactivated vaccine (Sinovac, Sinopharm), viral vector (AstraZeneca, Sputnik V, Johnson & Johnson), at mRNA (Pfizer, Moderna). Sa mga ito, ang unang dalawang uri ay gumagamit ng virus, ngunit hindi sa buhay nitong anyo.

Sinasabi ng World Health Organization (WHO) na ang mga inactivated vaccine ay gawa sa virus na nagdudulot ng sakit, ngunit pinapatay ito gamit ang mga kemikal, init, o radiation. Ang mga viral vector vaccine naman ay gumagamit lang ng bahagi ng virus para ipadala ang mga protina sa katawan upang makagawa ito ng immune response nang hindi nagdudulot ng sakit.

Hindi naman gumagamit ng anumang virus ang mga bakunang gawa sa mRNA. Sa halip, tinuturuan nito ang mga cell na gumawa ng partikular na protina upang makilala ito at tugunan ng immune system ng katawan.

Basahin ang mga fact check na ito para sa karagdagang kaalaman:

5 maling akala tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19
Maling akala 4: Eksperimento lang at hindi ligtas ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Ang katotohanan: Lahat ng mga bakunang ibinibigay sa Filipinas ay dumaan sa tatlong yugto ng clinical trials at binigyan ng pahintulot ng Food and Drug Administration. Ibig sabihin, itinuturing ang mga ito na ligtas gamitin at epektibo sa pagbibigay ng sapat na proteksiyon laban sa COVID-19.

Dagdag pa rito, wala sa mga uri ng bakunang ito ang bago lang. Sinabi ng WHO na dekadekadang pag-aaral na ang iginugol sa mga ito ng mga siyentista, at dalawa sa tatlong uring nabanggit (inactivated at viral vector) ay matagal nang ginagamit sa pagbuo ng mga bakuna para sa ibang mga sakit.

Halimbawa, ang mga bakuna para sa flu at polio ay mga inactivated vaccine, habang ang bakuna naman para sa Ebola ay viral vector.

Ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna naman ay ang unang mga bakunang gawa sa mRNA na ginagamit nang malawakan, ngunit hindi nangangahulugan ito na bago ang teknolohiya sa likod nito. Sabi ng WHO, ang teknolohiya ng mRNA ay ilang dekada na ring pinag-aralan, at mahigpit na sinuri ang kaligtasan nito.

Basahin ang mga fact check na ito para sa karagdagang kaalaman:

Maling akala 5: Naglalaman ang bakuna ng microchips na gagamitin sa pagsira sa sangkatauhan.

Ang katotohanan: Walang anumang bakuna ang naglalaman ng microchips para makapagmatyag sa mga mamamayan. Ang maling impormasyon na ito ay nagmula sa mga conspiracy theory na sinisisi ang pandemya sa bilyonaryong si Bill Gates. Walang basehan ito at ilang ulit nang napatunayang hindi totoo ng iba’t-ibang fact checker.

Sumasang-ayon ang mga dalubhasa sa medisina sa buong mundo na ang mga bakuna laban sa COVID-19 ang pinakamahusay na pag-asa ng mundo para mawakasan ang pandemya.

Basahin ang mga fact check na ito para sa karagdagang kaalaman:

– Rappler.com

Must Read

5 myths about COVID-19 vaccines debunked

5 myths about COVID-19 vaccines debunked

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Pauline Macaraeg

Pauline Macaraeg is digital forensics researcher for Rappler. She started as a fact checker and researcher in 2019, before becoming part of Rappler's Digital Forensics Team. She writes about the developing digital landscape, as well as the spread and impact of disinformation and harmful online content. When she's not working, you can find her listening to podcasts or K-pop bops.