SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

MANILA, Philippines – Hinaharap ngayon ng Iglesia ni Cristo ang pinakamalaking krisis nito.
Bintang ng mga kritiko, nagwawaldas ng pera ang mga lider ng grupo. Halimbawa raw ang milyun-milyong pisong ginastos para sa sarili nilang eroplano. (READ: Multi-million Airbus used by Iglesia leaders being sold)
Dagdag pa ang umano’y pagkidnap sa mga ministro.
Buwelta naman ng Iglesia, hindi raw totoo ang mga bintang na ito. Mabilis din nilang itiniwalag ang ilang mga kritiko, kasama ang ina at kapatid ng punong ministrong si Eduardo Manalo.
Sinampahan pati nila ang mga kritiko ng kasong libelo. (READ: Iglesia ni Cristo sues another expelled minister for libel)
Saan patungo ang Iglesia ni Cristo?
Para sagutin ito, makakasama natin sa podcast ang isang sociologist of religion, si Jayeel Cornelio.
Si Cornelio ang direktor ng Development Studies Program ng Ateneo.
Marami nang naisulat si Cornelio tungkol sa iba-ibang relihiyon, kasama na ang Iglesia ni Cristo. (READ: INC, Philippine Arena, and religious worldling)
Kasama niya sa podcast si Paterno Esmaquel, reporter ng Rappler. – Rappler.com
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.