SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Pakinggan sa iTunes at sa Spotify
MANILA, Philippines – Inutusan ng Korte Suprema ang Solicitor General na ilabas ang mga dokumentong may kinalaman sa mga namatay sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Presidente Rodrigo Duterte.
Tinatawag itong tagumpay pagkatapos ng mahabang laban ng mga grupo ng abogado at human rights advocates na makuha ang mga dokumentong ito. Ayon sa kanila, maaaring makatulong ang mga ito sa mga imbestigasyon.
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng police reporter na si Rambo Talabong, justice reporter Lian Buan, at researcher-writer na si Jodesz Gavilan kung gaano kahalaga ang mga dokumentong ilalabas sa pagkamit ng hustisya para sa libo-libong namatay sa drug war.
Ano ang mga tanong na maaaring masagot ng mga dokumentong ito? Pakinggan ang podcast. – Rappler.com
PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:
- Covering the courts: Supreme Court Baguio Session
- Bakit kailangang labanan ang Duterte coverage ban sa Rappler?
- Apay nga kasapulan nga agpetisyon iti Rappler diyay Supreme Court?
- Nganong kinahanglan nga di dapigan ang Duterte coverage ban sa Rappler?
- Ang doble-plaka law bilang panakip-butas sa mga patayan
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa International Criminal Court
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Campaign Convos: Rappler reporters’ 2019 campaign podcast
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.