Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Bagong luma, lumang bago?

[PODCAST] Laffler Talk: Bagong luma, lumang bago?
Matapos ang napakamasalimuot na 2020, may bago ba tayong aabangan? O lumang tugtugin pa rin?

Pakinggan din sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Bagong taon na naman! Pero matapos ang napakamasalimuot na 2020, may bago ba tayong aabangan sa 2021? O lumang tugtugin pa rin?

Kung ex mo ang 2020, babalik-balikan mo pa rin ba ang moments ninyo?

Para subukang sagutin ang mga tanong na iyan, narito muli ang Laffler Talk sa pambungad nito sa 2021 – at unang episode ng Season 2 – para i-share ang kanilang “nai-pun” o naipon na puns mula sa matagal na pagkakahimbing.

May bagong boses din kayong maririnig sa podcast. Kapalit ni Paul si Tristan, ang bagong co-host nina Chito at Michael ngayong season.

Pakinggan muli ang kanilang kwela at malokong kuywentuhan, habang nagbabalik-tanaw sa 2020 at humuhugot ng pag-asa para sa 2021. Ika nga ni Chito, “Nung una, ayoko kasing matawa sa nangyayaring sitwasyon. Pero ngayon, iniisip ko, we must laugh.”

Heto pa ang ilang patikim sa episode na ito:

Tristan: People often talk about cabin fever, pero iba rin pala kapag ma-experience mo.
Michael: Espesyal na type siya ng cabin fever: cough-and-fever siya.

Michael: ‘Yung mga ‘di mo ginagawa dati, nagiging hobby mo na ngayon.
Chito: Pati ‘yung mga ginagawa mo dati, hindi mo na ginagawa. Tulad ng pagligo, nakakatamad na.

Chito, on coffee shop planners: Alam mo, ‘yun nga naisip ko, dapat pinamigay na lang nila.
Michael: Alam niyo po kung bakit ‘di na pinamigay? Kasi dahil sirang-sira na po ‘yung mga plano nila, ang tawag na po nila dun, leche planner.

Chito, on 2020: Parang sci-fi movie diba? Ang problema ngayon, parang ang tagal nung ending.
Tristan: Si Lav Diaz [director of 4-hour movie Norte] pala ‘yung nag-direct?

Chapters

Kung gusto mong dumeretso na sa isang topic sa episode na ito, heto ang timecode guide:

2:39 – New Year celebrations
8:24 – Worst things in 2020
12:12 – Silver linings in 2020
18:00 – Same 2 topics above, crowdsourced
30:10 – Kung ex mo ang 2020…
33:20 – On to 2021
36:20 – 2021 fears
43:46 – 2021 hopes

Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.