MANILA, Philippines – Sumipa na sa halos P60 ang kilo ng bigas sa Pilipinas, malayong malayo sa ipinangakong P20 kada kilo ni President Ferdinand Marcos Jr.
Ang pansamantalang solusyon ni Marcos sa pagsipa ng presyo ng bigas? Price caps.
Nagbabala ang mga ekonomista na ang pagtakda ng presyo ng bigas na mas mababa pa sa halaga ng produksyon nito ay makakasama para sa ordinaryong Pilipino at mga magsasaka at trader.
Panoorin kung bakit masama ang price caps at ano ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas, sa TikTok explainer na ito ni Rappler business reporter Ralf Rivas. – Rappler.com