2022 PH presidential race

Rappler Recap: Bongbong Marcos, anak ng diktador, tatakbo sa pagkapangulo

Rappler
Magandang balita para sa mga Marcos loyalist, pero nagbabadyang bangungot para sa lahat ng biktima ng mapang-abusong diktadura ng kanyang ama

Tatakbo sa pagkapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 elections.

Magandang balita ito para sa mga loyalista ng kanilang pamilya, pero nagbabadyang bangungot para sa mga biktima ng pang-aabuso noong diktadura ng kanyang tatay, ang yumaong si Ferdinand Marcos.

Matapos ang ilang buwang usap-usapan, sa wakas ay inanunsiyo na ni Bongbong nitong Martes, Oktubre 5, ang kanyang balak na kunin muli ang trono sa Malacañang, 35 taon matapos silang patalsikin doon at tumakas papunta sa Hawaii.

Wala pang inanunsiyong bise presidente si Bongbong.

Sa kanyang pagtakbo para sa pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa, inaasahang hahabulin si Bongbong Marcos ng mga tanong tungkol sa madugong Martial Law ng kanyang ama, at mga nakaw na yaman na hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring bawiin ng gobyerno.

Panoorin ang recap ni Rappler reporter Lian Buan, na siyang susunod kay Bongbong sa kampanya. – Rappler.com