2022 Philippine Elections

Rappler Recap: Kung hindi ngayon, Mr. Marcos, kailan?

Rappler
Kailan siya pipili ng VP? Kailan magiging moot ang kanyang electoral protest laban kay Robredo? Kailan niya sasagutin ang mga tanong ukol sa pang-aabuso at pangungurakot sa ilalim ng martial law?

Kailan mapapangalanan ni Bongbong Marcos ang kanyang magiging bise presidente?

Sinabi ni Marcos nung naghain siya ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente Miyerkules, October 6, na si Pangulong Rodrigo Duterte sana ang kanyang kukuning VP.

Kailan naman iaatras ni Marcos and kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo, ngayong interesado naman na siyang maging pangulo? Moot lang daw ito kapag sumumpa na siya sa bagong posisyon.

At huli, natanong si Marcos kung mas magiging bukas na siya sa mga media interview na puwede siyang matanong ukol sa martial law ng kanyang ama.

Lagi naman daw bukas si Marcos sa mga panayam, basta may bagong tatanungin.

Sinubukan siya tanungin sa pagkaka-convict ng kanyang ina na si Imelda Marcos sa pitong count ng graft, pero sabi ni Marcos, hindi ngayon.

Kung hindi ngayon, kailan?

Panuorin ang recap na ito ng Rappler reporter na si Lian Buan,  na siyang susunod kay Marcos sa kampanya. – Rappler.com