MANILA, Philippines – Mga pader na walang paskil ang bumungad sa mga estudyante na nagbalik eskwela noong Martes, Agosto 29.
Higit 22.9 milyong estudyante ang nakapagpatala noong umaga ng Agosto 29, ngunit mas marami pa ang inasahan ng Department of Education (DepEd) na magpapatala. Noong Biyernes, Setyembre 1, tumaas ang bilang sa 24.96 milyon.
Iba-iba ang interpretasyon ng iba’t ibang mga paaralan sa bagong direktiba ng Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte na gawing malinis ang mga pader, at walang nakapaskil na kahit anong “hindi kinakailangang” mga poster, tarpaulin, artwork, at iba pa. (READ: [In This Economy] Spare a thought for the PH’s 90% learning poverty rate)
Nalulungkot man ang ilang mga guro sa pagbabaklas, handa naman silang sumunod sa utos. Ngunit mas ikinababahala nila mga napag-iwanang mag-aaral dahil sa pandemya.
Panoorin dito ang ulat ni multimedia reporter Michelle Abad. – Rappler.com
Reporter: Michelle Abad
Production specialist: Franz Lopez
Editor: JP San Pedro
Producer: Cara Angeline Oliver
Supervising producer: Beth Frondoso