2023 barangay and SK elections

PANOORIN: Balik mano-mano ang halalan sa Oktubre, maliban sa 3 barangay na ito

Dwight de Leon
PANOORIN: Balik mano-mano ang halalan sa Oktubre, maliban sa 3 barangay na ito
May tatlong barangay sa Luzon na gagamit ng vote-counting machines sa halalan sa Oktubre, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay babalik sa makalumang sistema ng pagboto. Alamin kung bakit sa video na ito.

MANILA, Philippines – Sanay na ang mga Pilipino sa automated elections, na naging sistema ng pagboto ng Pilipinas mula pa 2010.

Pero sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa ika-30 ng Oktubre 2023, balik mano-mano ang botohan – kung saan isinusulat ang pangalan ng binotong kandidato sa halip na iniitiman ang bilog katabi ng pangalan – at bilangan ng mga balota.

Tatlong barangay lang ang naiiba, sapagkat sila ay sasailalim sa automated election system.

Ang mga presinto sa barangay ng Paliparan III at Zone II sa Dasmariñas City, pati na rin ang Pasong Tamo sa Quezon City, ay gagamit ng vote-counting machines (VCMs) para mabilang ang mga balota ng mga botante.

Panoorin ang maikling video na ito para alamin ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pilot run ng automated elections sa mga piling barangay sa Oktubre. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Dwight de Leon

Dwight de Leon is a multimedia reporter who covers President Ferdinand Marcos Jr., the Malacañang, and the Commission on Elections for Rappler.