DSWD

Hindi extended ang educational cash assistance ng DSWD ngayong Oktubre 2022

Rappler.com
Hindi extended ang educational cash assistance ng DSWD ngayong Oktubre 2022
Kung magkakaroon lamang ng karagdagang pondo ay saka lamang magkakaroon ng extension ang educational cash assistance ng DSWD

Ang sabi-sabi: Extended ang educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-factcheck: Ang sabi-sabi ay laman ng hindi bababa sa siyam na post sa Facebook na may kani-kaniyang bilang ng share, reaksiyon, at komento. 

Ang katotohanan: Sa panayam ng Rappler kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez noong ika-11 ng Oktubre ay sinabi niyang wala pang anunsiyo ang departamento hinggil sa extension ng nasabing programa. 

Ayon kay Lopez, maaari lamang magkaroon ng extension ang nasabing programa kung mabibigyan sila ng karagdagang pondo, ngunit kung wala ay walang extension na mangyayari. 

Nauna nang sinabi ni Lopez sa isang panayam sa GMA noong ika-29 ng Setyembre na naging matagumpay ang kanilang pamamahagi ng P1.7-bilyong educational aid sa 713,916 na benepisyaryo. 

Naipamahagi na umano ng ahensiya ang lahat ng pondong inilaan para sa nasabing programa. Natapos ang pamamahagi nila ng naturang cash assistance noong ika-24 ng Setyembre. 

Ayon kay Secretary Erwin Tulfo noong ika-25 ng Setyembre, kakailanganin ng DSWD ng karagdagang P200 milyon hanggang P300 milyon kung maglulunsad muli sila ng educational assistance para sa mga nangangailangang estudyante. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.