Fact check - gov't services/laws

LGU ang mangangasiwa sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng pambansang pabahay

Rappler.com
LGU ang mangangasiwa sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng pambansang pabahay
Nagbabala ang Department of Human Settlements and Urban Development hinggil sa mga post ng registration umano para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program

Ang sabi-sabi: Kailangang magpalista sa isang link kung gustong makasali sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng gobyerno. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 106 na mga share, 54 na mga komento, at 43 na mga reaksiyon. 

Ang katotohanan: Nilinaw ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Rappler noong ika-17 ng Oktubre na ang mga Pilipinong interesado sa pabahay sa ilalim ng pambansang pabahay ay kailangang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. 

Ang mga lokal na pamahalaan ang magtatakda ng kriterya at tutukoy sa mga potensyal na benepisyaryo ng proyekto. 

Paalala ng DHSUD: Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko tungkol sa kanilang inilabas na paalala noong ika-24 ng Oktubre na i-report ang mga indibidwal, grupo, o organisasyong nagsasabing awtorisado silang mag-enroll ng mga benepisyaryo para sa nasabing pabahay. Kaugnay ito ng paglilinaw na ang mga lokal na pamahalaan ang mamimili ng mga benepisyaryo ng proyekto. 

Nauna na ring nilinaw ng ahensya na hindi libre ang nasabing pabahay. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.