Marcos Fact Checks

FACT CHECK: Wala ng CBP magmula pa noong 1993; pinalitan na ng Bangko Sentral

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: Wala ng CBP magmula pa noong 1993; pinalitan na ng Bangko Sentral
Kaduda-duda ang katotohanan ng isang sertipikong patunay umano sa gold bullion account ng Pilipinas dahil pinirmahan daw ito ng Central Bank of the Philippines noong Mayo 11, 2022

Ang sabi-sabi: Isang sertipikong galing umano, at pinirmahan, sa Central Bank of the Philippines (CBP) noong Mayo 11, 2022 ang nagpapatunay sa gold bullion account ng Pilipinas. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Isa sa mga dokumentong ginagamit na patunay umano sa nakalululang dami ng ginto ng mga Marcos at maharlikang angkan ng mga Tallano ang post na naglalaman ng sabi-sabi. Taong 2022 pa ito inilathala sa Facebook ngunit ito ay lumitaw ulit. 

Ang katotohanan: Kaduda-duda ang katotohanan ng nasabing dokumento dahil pinirmahan umano ito sa “Central Bank of the Philippines” noong Mayo 11, 2022. 

Noong Hunyo 3, 1993, pa pinalitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang CBP bilang punong pangasiwaan ng pananalapi. Itinakda ito ng Republic Act 7653 o ang tinatawag na The New Central Bank Act. 

Ang Facebook page na Alpha Omega World Development Marshall Programme ang naglathala ng umano’y sertipikasyon ng gold bullion account sa Pilipinas. Naitampok na ang page na ito sa isang artikulo at ilang fact check ng Rappler. 

Kilala ang page na ito sa pagpapalaganap ng Marcos gold myths at ng sabi-sabing ang pinuno nilang si Tiburcio Villamor Marcos ay anak ni dating pangulong Marcos. Galing umano sila sa angkan ng mga Tallano na sinasabing maharlikang pamilyang namumuno sa buong Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!