human rights in the Philippines

[PANOORIN] Mga nauulila sa mga nawawala

Rappler.com
[PANOORIN] Mga nauulila sa mga nawawala
Bakit nga ba sa hinahaba-haba ng panahon, hindi pa rin nasosolusyonan ang problema sa mga puwersahang pagkawala? Bakit patuloy pa ring nagdurusa ang mga pamilya ng mga desaparecidos?

MANILA, Philippines – Sa Pilipinas may isang mala-endemiko sakit na sumisira ng mga pamilya at nagdudulot ng pagdurusa sa kanila.

Ito ang mga kaso ng desaparecidos o mga biktima ng puwersahang pagkawala. Tinatayang nasa 1,911 na ang mga dokumentadong desaparecidos, ayon sa tala ng grupong Karapatan, mula sa panahon ng diktador na si Ferdinand E. Marcos hanggang sa kasakuluyan.

Labing-isa sa mga desaparecidos na ‘yan ay dinukot sa ilalim lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak ng yumaong diktador.

Bakit nga ba sa hinahaba-haba ng panahon, hindi pa rin nasosolusyonan ang problema sa mga puwersahang pagkawala? Bakit patuloy pa ring nagdurusa ang mga pamilya ng mga desaparecidos?

Panoorin ang ulat ni Rappler justice reporter Jairo Bolledo at saksihan ang mga kuwento ng mga pamilyang nauulila sa mga minamahal nilang nawawala. – Rappler.com

Reporter/ writer: Jairo Bolledo
Production specialist: Franz Lopez
Video editor: JP San Pedro
Producer: Nina Liu
Supervising producer: Beth Frondoso

Download the Rappler App!