documentaries

[DOCUMENTARY] Talunan: Ang mga vlogger na hindi mananahimik

Rappler.com
[DOCUMENTARY] Talunan: Ang mga vlogger na hindi mananahimik
Ito ang kwento ng mga vlogger na kritikal sa gobyerno. Panoorin sa Rappler.

Bagaman ang nanalo noong eleksyon ay ang hindi nila inaasahang kandidato, patuloy pa rin silang nagsasalita sa YouTube.

Sila ang mga nabansagang mga “talunan” – mga vlogger na inaalipusta ng mga taga-suporta ng administrasyon dahil patuloy silang nagsasalita kahit na natalo ang kanilang kandidato.

Sa pananaw ng mga vlogger na ito, mayroon silang misyong kailangang gampanan: Sa panahon kung kailan talamak ang kasinungalingan at panatisismo sa mga politiko, kailangan ng taliwas na mga boses.

Sa dokumentaryong ito, sinundan ni Rappler reporter Rambo Talabong ang tatlong vlogger na ito ang paniniwala.

Paano sila napadpad sa YouTube? Paano sila nagpapatuloy sa kabila ng pambabatikos? Ano ang halaga ng oposisyon sa mga espasyo katulad ng YouTube?

Panoorin ang buong video sa Rappler. – Rappler.com

Download the Rappler App!