Taal Volcano

PANOORIN: Taal Volcano alert levels, explained

PANOORIN: Taal Volcano alert levels, explained
Ano-ano nga ba ang tinitingnan ng Phivolcs upang makapagdeklara ng bawat alert level? Panoorin sa explainer na ito.

Mahigit isang taon matapos sumabog ang Taal Volcano noong Enero 2020, muling nag-alboroto ang bulkan.

Sa simula ng Hulyo 2021, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 3 para sa Taal dahil sa isang phreatomagmatic eruption, o pagsabog na dulot ng pinaghalong magma at tubig.

Dahil sa nagbabadyang panganib, inilikas ang libo-libong residente ng Batangas na nakatira malapit sa bulkan.

Depende sa volcanic activity, maaaring isailalim ang Taal Volcano sa iba’t-ibang alert level. Pero ano-ano nga ba ang tinitingnan ng Phivolcs upang makapagbigay ng deklarasyon? Panoorin sa explainer na ito. – Rappler.com