Hindi Ito Marites

Hindi Ito Marites: First, China wooed us. Now, they are dividing us.

Rappler.com
Hindi Ito Marites: First, China wooed us. Now, they are dividing us.
Mula sa pagiging 'friendly' sa Pilipinas, naging agresibo at mapanghati ang China

Natatandaan niyo ba ‘yong mga Chinese na pelikula at cultural shows, dubbed in Filipino, na ipinalabas sa PTV o People’s Television Network, isang government station? Itinigil ng PTV ang pag-ere nito dahil sa pagpuna ng mga senador at netizens. Sinabi ng mga opposition na senador, propaganda ‘yan ng China. Noong pandemya, lumabas rin ang music video na “Isang Dagat,” isang feel-good propaganda ng Chinese embassy.

Noong si Rodrigo Duterte pa ang presidente, friendly ang propaganda ng China sa Pilipinas. Ngayon, iba na ang stratehiya nila. Sa ilalim ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., palaban ang China. Gusto nilang i-divide tayong mga Filipino.

Sa episode na ito, samahan si Rappler editor-at-large Marites Vitug sa paghimay sa mga naging pagbabago sa pakikitungo – at propaganda – ng China sa Pilipinas.

Sa seryeng Hindi Ito Marites, magbabahagi si Vitug ng trivia mula sa kanyang interviews, newsletter na Sui Generis, at iba pang verified information.

Para makatanggap ng Sui Generis newsletter, mag-subscribe para maging Rappler+ member. – Rappler.com

Download the Rappler App!