Fact Checks about media

[WATCH] ’Yung Totoo?: Mga pekeng kuwento tungkol sa midya

[WATCH] ’Yung Totoo?: Mga pekeng kuwento tungkol sa midya
I-fact-check natin ang 5 sa mga pekeng istorya tungkol sa midya at mga ibinabalita nito

Totoo bang walang miyembro ng midya ang niligalig, ginulo, o kinasuhan ng administrasyong Duterte mula noong 2016? Hindi raw ba ibinalita ng midya noong bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa?

I-fact-check natin ang 5 sa mga pekeng kuwento tungkol sa midya at mga ibinabalita nito.

Una, sabi nila, wala raw mamamahayag na niligalig, ginulo, o kinasuhan ng mga puwersa ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Duterte. Naku, hindi totoo ’yan!

Pangalawa, kumalat  ang pekeng kuwentong ito na isinisi raw ng programang 24 Oras ng GMA Network sa Martial Law ang pagkamatay ng aktibistang si Leandro Alejandro. Wala itong katotohanan.

Pangatlo, pinuri raw ng Japan Times si Duterte dahil sa mataas nitong approval ratings sa gitna ng pandemya. Samantala, hindi man lang daw iniulat ng midya sa Pilipinas ang balitang itong nagpapatunay ng kakayahang mamuno ni Duterte. Hay naku, hindi totoo ’yan!

Pang-apat, sinabi ng video na ito na nagkaroon daw ng “media blackout” sa sinasabing ilegal na pagluwas ng ginto ng gobyerno ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Totoo ba ito? Hindi rin!

At, panlima, hindi raw ibinalita ng mainstream media ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong Marso 23, 2021. Weh? Hindi ito totoo!

May nakita ka bang mga kaduda-dudang post na nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa midya? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com