Israel-Hamas war

[PANOORIN] Ano ba ang hugot ng Israel-Hamas war?

Rappler.com
[PANOORIN] Ano ba ang hugot ng Israel-Hamas war?
A brief explainer on the long history of the Israeli-Palestinian conflict

Nagimbal ang mundo simula nang biglang umatake sa Israel ang armed group na Hamas noong Oktubre 7. Mahigit 1,400 ang nasawi sa paglusob ng Hamas sa mga Israeli na komunidad malapit sa border ng Gaza, na sentro ng mga kilusan para palayain ang Palestinians sa kontrol ng Israel.

Bilang “self-defense,” walang humpay na pinaulanan ng Israel ng mga bomba ang Gaza, para umano’y pulbusin ang Hamas. Nilusob na rin ng mga sundalong Israeli ang Gaza. Pero karamihan sa lagpas-9,000 na nasawi sa Gaza ay mga sibilyan – mga bata, pasyente sa ospital, buong pamilyang nagsusubok lumikas mula sa teritoryong nasa isang blockade sa ilalim ng Israel.

Mahaba na ang kuwento ng Israeli-Palestinian conflict, at ang giyera ng Israel laban sa Hamas ay isa lamang sa mahabang listahan ng mga bakbakang kumitil sa buhay ng ‘di na mabilang na tao sa magkabilang panig. Ano ba ang puno’t dulo ng digmaang ito? Alamin sa aming video explainer. – Rappler.com

Producer, writer, presenter: JC Gotinga
Producer, video editor: Cara Angeline Oliver
Graphics: Nico Villarete, Alyssa Arizabal
Production specialists: Naoki Mengua, Franz Lopez, Ulysis Pontanares
Supervising producer: Beth Frondoso

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!