exchange rates

[PANOORIN] Mahinang piso: Biyaya o pinsala sa OFW?

Rappler.com
[PANOORIN] Mahinang piso: Biyaya o pinsala sa OFW?
Bakit 'paghina' ang tawag sa nangyayari sa piso, kahit tila parang tumataas ang halaga nito?

MANILA, Philippines – Mas marami nang piso ang makukuha ng mga kamag-anak ng mga overseas Filipino worker (OFW) na kumikita ng dolyar kapag ipinagpalit nila ito sa remittance center.

Noong Setyembre 28, umabot ang palitan sa P59 kada isang US dollar.

Sa unang tingin, maganda ang paghina ng piso, dahil parang tumataas ang halaga ng mga padala ng OFWs. Pero kung kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pamasahe sa Pilipinas, biyaya nga ba ito, o pinsala?

Panoorin ang explainer video ni Michelle Abad sa Rappler. – Rappler.com