Sa Occidental Mindoro, apat na oras lang may kuryente sa kahit anong bahagi ng probinsya.
Ito ay deka-dekada nang sakit sa ulo ng mga residente, pero mas lalong lumala ang sitwasyon sa mga nakalipas na buwan.
Bumiyahe ng San Jose at Mamburao ang Rappler reporter na si Dwight de Leon at ang kanyang cameraman na si Ulysis Pontanares para alamin ang ugat ng krisis, at ang epekto nito sa maraming sektor.
Apektado ng brownout ang mga kabahayan, eskwelahan, at mga establisyemento na nalulugi dahil sa gastos sa krudo para lamang paandarin ang kanilang generator sets.
Ang hiling ng mga demonstrador doon – sana ay makialam na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na minsang nangampanya sa probinsya noong 2022. Sa bibig niya mismo nanggaling, kailangang ayusin ang problema sa kuryente roon.
Panoorin ang dokumentaryo ng Rappler dito. – Rappler.com