2022 Philippine Elections

[VIDEO EDITORIAL] Ang LSS ng Bagong Lipunan

[VIDEO EDITORIAL] Ang LSS ng Bagong Lipunan
Tinugtog ang rock version ng “Bagong Lipunan" sa campaign rally ni Bongbong Marcos. Hindi lang ito LSS – ito'y delayed PTSD para sa henerasyong nagtiis at nagpatalsik sa ama ng Martial Law

Walang naghanda sa atin sa throwback nitong February 8, sa campaign kickoff ng kandidatura ni Bongbong Marcos. Sa entabladong pula, tinugtog ang rock version ng “Bagong Lipunan.” 

Kung may malay ka na noong 1970s at 1980s, sapat ang himig ng rock version upang manumbalik sa ‘yo ang orihinal na martsa: 

“May bagong silang, may bago nang buhay, bagong bansa, bagong galaw sa bagong lipunan.”

Panunumbalik ito ng nakaraan na tila isang bangungot. Tinrigger nito ang mga emosyong akala natin ay nabaon na sa limot.

Hindi lang ito last song syndrome o LSS. Ito’y delayed post-traumatic stress disorder o PTSD para sa henerasyong nagtiis, nakibaka, at nagpatalsik sa ama ng Martial Law. 

Sa gitna ng gutom, kawalang-trabaho, at pagtakwil sa liberalismo ng mga Dilawan, nagpa-hypnotize tayo sa martsa ng Bagong Lipunan ni Marcos Jr.

Pero tatlumpu’t anim na taong nakalipas, kinaya nating magising. Hindi natin kailangang tiisin ang panibagong anim na taon bago matauhan. #WeDecide: Atin ang Pilipinas. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Ang LSS ng Bagong Lipunan