Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Animation Nation

[PODCAST] Laffler Talk: Animation Nation
Panauhin sa episode na ito si Janina Malinis, ang resident animator ng Rappler. Kinilala din nila Chito, Michael, at Tristan ang galing ng mga Filipino sa larangan ng animation at motion graphics.

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Nakikilala na ang Pilipinas sa larangan ng komiks, animation, at motion graphics.

Matutunghayan ito sa iba’t ibang obra, mula sa isang sikat na komiks na ginawan ng animation series ng Netflix hanggang sa mga Pinoy animator na nag-ambag ng kanilang talento sa animated films dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Kaya naman, sa pagsalubong sa ika-123 taon ng kalayaan ng bansa, sumaludo sina Chito, Michael, at Tristan sa angking galing ng mga Pinoy sa pag-drawing at pag-animate.

Panauhin nila sa episode na ito si Janina Malinis, ang animator ng Rappler. May pasilip si Janina sa pinagmulan ng kanyang passion, at nagbahagi rin siya ng kanyang mga inspirasyon sa paglikha ng animation.

Inusisa din nila ang kalidad ng animated films, series, at mga output na proudly Pinoy. – Rappler.com