Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Hala, halalan na naman!

[PODCAST] Laffler Talk: Hala, halalan na naman!
Maninindigan ka ba o magmamatigas ka pa rin? Usapang eleksyon sa Season 2 finale episode ng podcast ngayong Biyernes, Setyembre 24, 8:30 n.g.

Election season na ulit!

Nagsusulputan na muli ang TV at online ads, tarpaulin, at pangako ng mga politiko. Iba’t ibang pakulo na naman ang ating matutunghayan, lalo pa’t may battleground din sa social media at lalo nang dahil magiging limitado ang pisikal na pag-iikot ng mga kandidato dahil sa pandemya.

At, dahil nga pandemic, panibagong mga gimmick ng pangangampanya ang masasaksaihan natin. Mamimigay pa rin kaya ng mga pamaypay at t-shirt?

Ikaw namang botante, maninindigan ka ba para sa pagbabago, o magmamatigas ka pa rin sa nakagawian kahit hindi pinakamabuti para sa iyo at sa iyong komunidad?

Iyan ang pinag-usapan nina Chito, Michael, at Tristan sa Season 2 finale episode ng Laffler Talk ngayong Biyernes, Setyembre 24, 8:30 n.g. – Rappler.com

[PODCAST] Laffler Talk: Hala, halalan na naman!