Marcos Fact Checks

Napatunayan sa mga kasong naipanalo ng PCGG ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos

Rappler.com
Napatunayan sa mga kasong naipanalo ng PCGG ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos
Nabawi na ang ilan sa mga ninakaw ng pamilyang Marcos mula sa kaban ng bayan dahil sa desisyon ng mga korte ng Pilipinas hinggil sa mga kaso laban sa kanila

Ang sabi-sabi: Sa mga kasong isinampa sa pamilyang Marcos wala ni isang naipanalo ang PCGG. 

Sinabi sa video: “Ang gagawin ng PCGG na kinukuha ang yaman ng mga Marcos at ipapangalan nila bilang mga yaman na nakaw ng mga Marcos sa kaban ng bayan, ngunit pagdating sa kataasan-taasang hukuman ay bigo na mapatunayan ito.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-factcheck: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 1,206,316 views na sa YouTube.

Ang katotohanan: Napatunayan ang pagnanakaw at pandarambong ng pamilyang Marcos sa naging desisyon ng mga korte sa Pilipinas kaugnay ng mga kasong isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban sa nasabing pamilya.

Mga kasong naipanalo ng PCGG: Ang mga sumusunod ang mga naipanalong kaso ng PCGG kontra sa pamilyang Marcos:  

  • Pagbawi sa $658-milyong Swiss deposits na idineklarang ill-gotten ng Sandiganbayan na pinaboran ng Korte Suprema noong Hulyo 2003
  • Pagbawi sa $3-milyong ari-arian ng Arelma, kompanyang itinayo sa Amerika ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Idineklara ng PCGG na ginamit ang naturang kompanya upang pagtaguan ng mga nakaw na yaman. Sinang-ayunan ito ng Sandiganbayan noong 2009 at ng Korte Suprema noong 2012
  • Nabawi rin mula sa pamilyang Marcos ang Malacañang Collection, koleksiyon ng mga alahas, noong 2017, at mga art collection noong 2019, na parehong idineklara ng Sandiganbayan bilang mga nakaw na yaman. 

– Ailla Dela Cruz/ Rappler.com


Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.